Anatomya ng isang Credit Card Transaksyon [Infographic]

Nagtataka ka ba kung ano ang mga kaganapan sa isang credit card transaksyon? Kung paano nagkakadugtong- dugtong ang mga bangko, mga pamilihan at ikaw, ang konsumer? At sasabihin ko sa’yo na lahat ng ito ay nangyayari sa loob lamang ng 10 segundo!

Ayaw mong maniwala? Sa infographic na ito, ipapaliwang namen ang mga nangyayare sa loob ng isang credit card transakyon at hindi lang ‘yon! Magbibigay din kami ng mga ilang tips kung paano maiiwasan ang mga bayarin at singil sa iyong credit at ano ang dapat gawin kung ikaw ay baon na sa utang.anatomya nang isang credit card transaksyon

Ang mamimili ay i-sswipe ang kanyang credit card sa credit card reader, ipapadala ang impormasyon sa bangko at ito ay ibeberipika, at kokompirmahin ng bangko at bibigyan ang bilihan ng isang signal na ang transaksyon ay balido. Lahat ng ‘yan sa loob ng 10 segundo! Nakakabili di’ba?

Interesado ka bang magkaroon ng credit card? Tignan ang aming comparison table at paghambingin ang iba’t ibang credit card sa Pilipinas.

 

Leave your comment