Mag-invest sa time deposit

Bakit Sulit ang Mag-invest sa Time Deposit

Hindi mahirap malaman kung bakit ang Time deposit ay karaniwang pinipili bilang investment lalo na sa mga unang beses pa lamang mag-invest.  Itong uri ng produkto ng bangko ay makakapagbigay ng magandang kita na hindi na kailangang mangamba pa.  Magbasa pa upang lalong madiskubre ang mga kagandahan at di-kagandahan ng Time deposit account.

Kung sakaling wala tayo sa parehas na posisyon, pagusapan muna natin kung ano ang kahulugan ng Time deposit.  Tinatawag ding “termed deposits” o “timed deposits” sa ibang bansa, ang particular na investment na ito ay humihiling sa isang tao na itabi ang ilang halaga ng pera sa bangko-na hindi kinukuha-sa loob ng nakatakdang panahon.  Bilang ganti, ang bangko ay nangangako ng interes sa nakatakdang panahon, na kadalasan ay mas mataas na rate kesa sa makukuha mula sa normal na savings account.

Bakit Mag-invest sa Time deposit account?

Mas mataas na interest rate

Ito ay nakadepende sa particular na bangko kung saan ka kukuha ng Time deposit account.  Sa pangkalahatan, halos lahat ng bangko ay nag-aalok ng mas mataas na interest rate para sa Time deposit kumpara sa normal na savings account.

Regular na posibleng kikitain

Kikita ang iyong deposito ng interes (at mas mataas na interes) sa loob ng nakatakdang panahon tulad ng kada buwan o kada bawat apat na buwan (kung minsan ay kada taon).  Sa ilang mga bangko ay pinapayagan kang ideposito o ilipat sa pinili mong account ang anumang interes na iyong kinita-na nangangahulugang kahit wala kang access sa iyong Time deposit savings, patuloy parin ang ikot ng iyong pera sa pamamagitan ng iyong regular na interes.  Ito ang dahilan kung bakit karamihan ng mga magreretiro ay mas pinipiling mag invest sa Time deposit.

Pinakaligtas na uri ng investment

Hindi lahat ng tao ay pumapayag na ilagay sa peligro ang kanilang mga pera sa stocks, ari-arian, o sa mga iba pang katulad na mapanganib na investment.  Una, ang pag-aaral nito ay mas mahirap; marami ang dapat pag-aralan kung gusto mong maging propesyonal na stock investor.  Sa kabilang banda, ang Time deposit ay nagbibigay ng panahon upang ikaw ay umupo at antayin na lamang ang iyong kita.  Dapat ding sabihin na halos lahat ng mga bangko na nag-aalok ng Time deposit ay may kredibilidad, stabilisado at kontrolado ng mga sangay ng gobyerno.

Ang hindi kagandahan ng Time deposit

Tulad ng mga hindi perpektong investment sa mundo, ang Time deposit ay meron ding mga di-kagandahan na kadalasang nagiging dahilan upang hindi ito magustuhan ng ibang tao.

Pinaka-ligtas ngunit pinaka-mababang uri ng income-earning investment

Nakita na natin kung bakit ang Time deposit ay ang pinaka-ligtas na investment.  Subalit ang kapalit nito ay ito rin ang isa sa mga pinaka-mababang kita na investment.  Sinasabi ng mga eksperto sa larangan ng investment na ang kawalan ng ambang panganib ng Time deposit ay sapat na.  Bilang karagdagan, pagdating sa mga Time deposit, hindi ka lang dapat tumitingin sa iyong kikitain.  Kundi, dapat mo ring isaalang-alang ang mga benepisyong hindi nasusukat ng pera sa pamamagitan ng seguridad (tulad ng kapayapaan ng isip).

Walang aktibong partisipasyon mula sa investor

Ayaw ng ibang tao na wala silang pakialam pagdating sa kanilang mga investment.  Kung katulad mo sila, malamang ay hindi ka maeengganyo ng Time deposit.  Subalit sa kabila ng katotohanang ang Time deposit ay hindi nangangailangan ng aktibong partisipasyon mula sa investor, ito ay maaaring maging magandang bagay parin dahil nakakabawas ito sa posibleng pagkakamali ng investor at sa pagkalugi.

Handa ka na bang magsimulang maginvest sa Time deposit? Alamin kung anong mga bangko sa Pilipinas ang nag-aalok ng pinaka-mataas na interest rate.



What do you think?

comments