Kumita sa Stock Market sa Apat na Hakbang lamang

 

shutterstock_79462060

Sa pagkakaroon ng Pilipinas ng 7.8% GDP growth nitong nakaraang sangkapat ng taon, sinasabing maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahil sa pataas na paggastos ng gobyerno  pati na rin ang mga paglago ng konstrukasyon sa Pilipinas. Katunayan,  nalagpasan natin ang bansang Tsina na nagkamit lamang ng 7.7% GDP. Sa magandang  perpormans ng mga kompanya at nang ating gobyerno, napaka laki ng posibilidad na kumita  sa pag-puhunan sa stock market. Eto ang ilan sa mga paraan upang makapagsimulang mamuhunan sa stock market.

  1. Alamin kung magkano at saan mamumunuhan.

    Sa panahon ngayon pwede ka ng maging investor sa halagang P5,000.00 lamang. Ngunit, mas mainam kung mas malaki ang iyong ipupuhunan sapagkat mas marami kang pwedeng paglagyan nito upang mas mabawasan ang possibleng panganib na dala ng stock market at para tumaas din ang iyong maaring kita mula dito.

  2. Magbukas ng isang Central Depository (CD) Account

    sa kahit  na anong bangko at sa isang akreditadong stock broker. Ang CD account ay isang elektronik bookkeeping system na nag- uulat ng lahat ng pagmamay-ari mong shares at mga ginagawang paglipat nito sa stocks. Maaari mong makita sa opisyal na website ng Philippine Stock Echange (PSE) ang listahan ng mga akreditadong stock broker ng bansa. Kailangan mo lamang magpakita ng dalawang ID, proof of billing, signature card at sapat na halaga upang masimulan ang iyong pamumunuhan sa stock market.

  3. Pumili ng stock na bibilhin.

    Maaari kang pumili sa website ng PSE ng mga stocks na binebenta sa publiko. Bilang isang  investor ikaw dapat ay updated  sa mga nagaganap sa iyong bansa, mapa ekonomiya man ito o sa kompanyang nais mong bilhan ng stock para makagawa ka ng mas mabuting desisyon sa iyong pag-iinvest.

  4. Ang susunod na proseso ay ang pag-ttrade na mismo sa stock market o PSEi.

    Bumili ng stocks sa tulong ng iyong stock broker. Maging mapang-matyag sa galaw ng ekonomiya at kompanya na ikaw ay namuhunan para ikaw ay makapag desisyon ng mabuti kung ano ang gagawin mo sa pera na iyong pinambili ng stocks.

Paalala lamang na tungkulin ng investor na makibalita sa paggalaw ng stock market upang makagawa ng mga desisyon na mabuti at tiyak sa profile ng inyong bibilhing stocks. Ngayon, maaari ka ng mag-invest at huwag mo na itong patagalin dahil sa stock market, oras ang iyong kalaban. Maaari ka ding mag-invest sa time deposit kung gusto mo, alamin ang iyong mga pagpipilian.

Leave your comment