Paano Mag-Apply ng Credit Card sa Pilipinas?

Paano Mag-Apply ng Credit Card sa Pilipinas? Red credit card with a bow

A red credit card.

Nakakalito, kumplikado, at magulo, iyan ang madalas nating reklamo kaugnay sa mga patakarang pang-bangko. Isang halimbawa nalang ang mga regulasyon at proseso na dapat sundin patungkol sa pag-apply ng “credit card”. Sa article na ito, tutulungan namin kayong malaman ang mga hakbang upang makapag-apply ng “credit card” sa Pilipinas. Narito ang apat (4) na hakbang.

  1. Pumili ng uri ng credit card na patok sa iyong panlasa.

Kung credit card lang din naman ang pag-uusapan, hindi nagpapahuli ang Pilipinas sa pag-ooffer ng iba’t-ibang klaseng credit cards mula sa napakaraming kumpanyang nag-ooffer ng serbisyo nito. Ngunit dahil na din sa dami ng mga pagpipilian, isang napakalaking pagsubok ang hanapin ang “pinaka” patok sa inyong panlasa. Para malaman kung ano ang patok sa inyong panlasa, maaari niyong i-check ang mga artikulo namin dito na nagbibigay-impormasyon ukol sa mga uri ng credit cards, ang mga benepisyo na dala nito at uri ng mga credit cards ayon sa grupo ng tao at inyong pamumuhay.

Pagkatapos nito, aming  minumungkahi na bisitahin niyo ang credit card comparison page para sa mas malalim na pag-unawa sa mga credit cards. Sa nasabing pahina, ipinapakita ang lahat ng uri ng card sa Pilipinas kasama na din ang mga malalaking bangko na nag-ooffer nito. Maaari niyo rin itong piliin at basahin ayon sa iyong pangangailangan katulad at mga karaniwang katanungan ukol sa “Reward”, “Cashback”, “Travel”, “Shopping” at “Dining” credit cards. Pwede din itong i-sort ayon sa taunang bayad at interes. Sa ngayon, ang aming website ay nasa beta at hindi muna nag-poprosseso ng online aplikasyon, ngunit ang “apply button” ay nagre-redirect sa pahina ng bangko na inyong napili at gustong pag-Apply-an. Sa oras na kami ay wala na sa beta, maaari ninyong pangasiwaan ang karamihan sa iyong mga aplikasyon sa pamamagitan ng aming online platform!

  1. Ihanda at punan ang inyong Aplikasyon form.

Ang ilan sa mga bangko sa Pilipinas ay advance na pagdating sa teknolohiya. Hindi niyo na kailangan pang pumunta sa lokal na sangay ng bangko upang makakuha ng aplikasyon form. Ang kailangan niyo lang gawin ay pumunta sa pahina ng kanilang website at i-download ang aplikasyon form at i-print ito. Ito ay maaari rin ninyong sagutan sa inyong mga tahanan. Ngunit may mangilan-ngilan pa din na mga bangko na kinakailangan sadyain para sa aplikasyon form.

Isa rin na dapat tandaan sa paghahanda ng inyong aplikasyon ay ang pag check o pag-alam sa mga requirements na kailangan para sa inyong napiling credit card. Kadalasan, ang pag-Apply sa credit card ay nangangailangan ng minimum na kita, pinanggalingan ng kita at edad ng mag-aapply nito.

  1. Ihanda ang mga requirements at dokumento para sa mas madali at mabilis pag-apply.

Pangatlong dapat tandaan, hindi natatapos ang inyong pag-aapply sa pagsagot ng inyong aplikasyon form. Maraming dokumento ang nire-require ang bangko. Tandaan na ang credit card ay isang uri ng pangungutang sa mas madaling pamamaraan. Sa simpleng salita, bago tayo pautangin ng isang tao, kailangan din nating patunayan na tayo ay karapat-dapat na pautangin. Ito ang dahilan kung bakit maraming dokumento ang hinihingi ang mga bangko. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dokumento na kanilang hinihinga kaalinsabay sa iyong pag-aaply:

  • IDs o Patunay ng pagkakakilanlan (maaari mong gamitin ang kopya ng iyong passport, driver’s license, company ID, TIN ID Card, SSS ID, GSIS ID, o kahit na anong ID na nanggaling sa gobyerno.)
  • Income Statement o Patunay ng kita

Para naman sa pagpapatunay ng iyong katayuang pinansiyal, ang mga requirements ay depende sa iyong pinagkukuhanang kita. Kung ikaw ay isang empleyado, kadalasan ikaw ay inoobliga na i-sumite ang lahat o ilan sa mga sumusunod:

  • Latest Income Tax Return with bank/BIR stamp or form 2316 o ang inyong huling patunay ng pagbabayad ng tax o ang alternatibong BIR stamp o ang tinatawag na form 2316.
  • Ang inyong ‘payslips’ o katunayan ng iyong sweldo na inyong natanggap sa huling dalawa o tatlong buwan.
  • Orihinal na Katunayan ng inyong trabaho o “Certificate of employment”

Para naman sa mga self-employed o may-negosyo at mga taong ang boss ay ang sarili:

  • DTI or SEC registration o katunayan ng rehistrasyon ng inyong negosyo sa DTI or sa SEC.
  • Ang huling “audit” ng inyong pinansyal na katunayan na may tatak ng bangko o ng BIIR.
  • Latest Income Tax Return with bank/BIR stamp or form 2316 o ang inyong pinakabagong patunay ng pagbabayad ng tax o alternatibong BIR stamp o ang tinatawag na form 2316.

Tandaan na hindi ninyo kinakailangan na ibigay sa bangko ang mga orihinal na dokumento dahil ang ilan na din sa mga ito ay mahirap kunin. Inyo lamang ibigay ang photocopy sa bangko at dalhin ang orihinal para sa beripikasyon. Para naman sa online aplikasyon, ang scanned copy ay sapat na.

  1.  Ipadala na ang inyong aplikasyon!

Maaari mong dalhin ang iyong aplikasyon sa isang lokal na sangay o ipadala sa pamamagitan ng koreo. Sa pagpapadala nito sa pamamagitan ng sulat, una nilang sinusuri kung kumpleto ang inyong aplikasyon kasama na ang mga kinakailangang dokumento na aking nabanggit. Kapag kumpleto, mas mabilis ang pag-proceso. Umaabot ng 1-3 na linggo ang pagpoproseso ng iyong aplikasyon. Kung ito ay kanilang i-approve, kinakailangan pa ng mga  10-21 araw upang mapadala o mai-out ng iyong credit card, ito ay dahil na rin sa pagpoproduced ng mismong card sa iyong pangalan.

O, excited ka na ba? Teka, wag ka munang mag-shopping agad agad! Kaloka! Tingnan at pag-aralan muna ang mga dapat mong malaman at mga kadalasang tanong ukol sa credit card. Tandaan, ang credit card ay isang utang na dapat bayaran sa loob ng isa o dalawang buwan. Excited ka na ba? I-check mo muna ang aming credit card comparison page para ikaw ay gabayan sa iyong pagpili.

Leave your comment