Matagal Pero Siguradong Pag- Asenso

money in the air asensoAng pag-asenso o pagyaman ay napakadali naman talaga kung ito ay pagsisikapan. Ngunit maraming tao ang gustong yumaman sa mabilis na pamamaraan. Ang pagyaman at pagkakaroon ng solidong “net worth” o pagtaas ng iyong katayuang pinansyal ay hindi basta-basta. May mga hakbang na kailangang gawin, sa tamang gawi at sa sarili mong paraan.

Utang

Mayroong tinatawag na mabuting utang at di mabuting utang. Ang utang na ginamit sa tamang paraan ay magbibigay sayo ng opportunidad upang mapalago ang perang inutang, lalo na kung ito ay ginamit sa pagbili ng lupa, edukasyon, o kahit pagsisimula ng isang negosyo. Ngunit sinuman na mayroong di mabuting pagkakautang ay nanganganib. Ito ang magiging hadlang sa iyong pag-asenso, imbes na ang pera mo ay maipon, ito ay nasasayang lamang. Ang utang ay maaring maging makapangyarihan at isang mahusay na paraan upang maipon ang pera sa makabuluhang proyekto o mga ideya, ngunit dapat ito’y gamitin ng tama kung gusto mong umasenso.

Uri ng Pamumuhay

Karamihan sa mga taong ipinanganak na mayaman o di kaya’y yumaman bigla ay mayroong maluhong pamumuhay. Sa realidad, para sa mga taong mayroon na nito sa simula pa lang, hindi ito kaso. Isa sa mga mabisang paraan ng pag-asenso ay ang pagtitipid. Kapag ang pera ay natipid ng tama dahil sa paggastos ayon lamang sa pangangailangan,  ito ay para na ring pagtaas ng kita. Alam nating kailangan pa ding magsaya ng tao paminsan-minsa, pero ang pagkain sa bahay o di kaya’y hindi masyadong paggastos ay makakatulong sa pagkakaroon ng higit na malaking ipon.

Ang Pag-Iinvest ay Higit pa sa Pagtra-Trabaho

Ang pagkakaroon ng magandang trabahao ay isang magandang simula ng pag-asenso. Ngunit Karamihan sa tao na may mayroong malaking sahod ay nagta-trabaho lamang. Maraming tao ang nahuhulog sa pag-aakalang ang pagkakaroon ng malaking sahod ang magpapalaya sa kanila sa hirap. Dapat din ginagamit sa mabuting paraan ang pera tulad ng pamumuhunan  ng lupain, pagsisimula ng maliit na negosyo, at pagbili ng pag-aari. Dahil sa realidad ng buhay, kapag nawalan ka ng malaking kita sa trabaho, karamihan ay bumabalik muli sa umpisa.

Maging Matapang para sa Pag- Asenso

Maraming tao ang nakaka-experience ng ibat-ibang pagtaas at pagbaba ng ekonomiya sa buong mundo. Ito man ay sa pamamagitan ng “stockmarket” o ang market ng pabahay. Ito ay parte ng normal na cycle ng pagnenegosyo, at dito ang pagong ang laging nananalo sa laban. Ibig sabihin, mag-invest at magpatuloy lamang sa pagpapalago ng iyong pera sa pamamagitan ng pagkalat at paghahanap ng alternatibong pamamaraan sa pagpapalago nito, ito man ay matagal, sigurado ka namang kikita.

Para sa mga tao ang pag-asenso ay isang mahabang proseso. Kung suswertihin, at kung nagawa mo ang mga tamang hakbang, magiging madali na sayo ang pag-asenso. Ang magandang bagay pa ay magkakaroon ng domino effect ang pag-iinvest nandyan na din ang posibilidad ng pagdoble ng interes. Kaya importanteng hindi lang simulan ito sa lalong madaling panahon, kundi ipagpatuloy lang ito. Hindi ito nangangailangan ng araw-araw na pagpa-plano dahil kung mayroon kang magandang gawi, mag-tutuloy tuloy na ito, at ikaw mismo ay nasa daan na ng pang-matagalang pag-asenso.

Leave your comment