Alam Mo Ba Ang Co- Branded Credit Card?
Marami ng bago sa mga credit cards ngayon. Sa bawat bangkong nago-offer nito, ang bawat isang credit card ay maaari ng i-ayon sa mga pansariling pangangailangan at paraan ng paggastos. Sa ngayon, dumarami na ang mga co-branded credit cards na magagamit sa Pilipinas.
Narito ang ilang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa co-branded credit cards sa Pilipinas.
Ano Ang Co- Branded Credit Card?
Ang co-branded credit cards ay credit cards na parehong mula sa credit card issuer at sa isang kilalang retailer o pamilihin—kadalasan ay mga sinehan, gas companies, department stores o mga paliparan.
Kahit na matagal nang nagbibigay ng reward programs ang mga credit cards, kadalasan ay malawak ito o nasa general categories lamang. Sa co-branded credit cards, mas specific ang mga rewards o benefits na ibinibigay dahil naka-ayon ito sa kagustuhan o nais ng mga gumagamit nito.
Ano ang Makukuha ko sa Co- Branded Credit Cards?
Tulad ng normal na credit cards, maaaring gamitin sa mga bilihin ang co-branded credit cards. I-swipe lamang ito at makakuha ka rin ng mga dagdag na puntos o rewards na katulad din sa ino-offer ng karaniwang credit cards.
Ang pinagkaiba ng co-branded credit card sa karaniwang na credit card ay ang extra privileges nito—kadalasan ay ekslusibo na discounts, rewards o rebates ang makukuha mula sa mga participating retailers.
Halimbawa: Tulad ng Metrobank Robinsons Cebu Pacific Credit Card, mas marami ang reward points na makukuha sa Cebu Pacific kumpara sa karaniwan na credit card. Samantalang kung Citibank Shell Credit Card naman ang gamit, makakakuha ng ekslusibong cash rebates kapag nagpa-gasolina o bumili ng produkto sa mga Shell outlets. Ang mga pribilehiyo at discounts na madalas mong makukuha sa co-branded credit cards ay eksklusibo at specific.
Bukod dito, mayroon ding ibang uri ng rewards na makukuha mula sa co-branded credit cards. Halimbawa nito ang priority access sa mga clubs, mga piling palabas, imbitasyon sa mga ekslusibo na events o launch, o di kaya’y personalized concierge-type services sa ilan nilang outlets.
Ano ang Dapat Kong Malaman Bago Kumuha ng Co- Branded Credit Card?
Bago tuluyang kunin ang ino-offer sa iyong co-branded credit card, alamin muna ang iyong mga talagang pinagkakagastusan at paraan ng paggastos. Tanungin ang sarili ng mga sumusunod:
– Ano ang pinakamalaki kong pinagkakagastusan?
– Saan ako madalas mamili? Aling mga brands ang talagang gusto ko?
– Anong uri ng mga benefits ang mas magagamit ko? (halimbawa: cash-back rebates, reward/gift programs, ekslusibo invitations sa mga social events, etc).
Tandaan, huwag masyadong magpadala sa mga benefits na ino-offer ng iba’t ibang co-branded credit cards. Mahalagang suriin din ang iba pang detalye at patakarang kaakibat ng mga cards na ito—annual fees, interest rates, at penalty charges ang ilan sa mga dapat tingnan. Maaari kang magrefer sa aming listahan ng mga dapat malaman bago kumuha ng credit card o maaari ring tingnan ang aming comparison table upang magkumpara ng credit card.
Leave your comment