Ang Alternatibong tinatawag na Prepaid Credit Card

prepaid credit cardPara sa maraming Pilipino, “credit card” o “debit card” lamang ang mapagpipilian kung kinakailangan ng financial card product. Ang totoo, may isa pang uri ng card na maaaring maging alternatibo para sa iyo. Ito ay ang “prepaid credit card” o yung card product na maaaring pa-load-an ng mga gumagamit nito. Alamin pa natin “prepaid credit card” sa article na ito.

Ano nga ba ang Prepaid Credit Card?

Ang prepaid credit card o prepaid card ay isang card na maaaring ipamili gamit ang plastic money. Katulad din ito ng normal na credit card; ang pinagkaiba lamang ay dapat mong lagyan ng “load” ang card bago mo ito magamit. Kumbaga sa mobile phone, nagload ka para may magamit na pantawag o pantext.

Paano Ginagamit ang Prepaid Credit Card?

Para magamit ang prepaid credit card, pumunta sa pinakamalapit na branch ng bangko mo upang lagyan ng load ang card. Maaari ding gamiting loading station ang automated teller machines (ATM). Sa Pilipinas, walang limit ang maaari mong i-load sa iyong card.

Kapag may load na ang card, maaari na itong gamitin. Tulad ng normal credit card, i-swipe lamang ang prepaid card sa terminal at makapamimili ka na.

Tandaan na sa bawat pagbili, ang presyo ng produkto ay direktang naibabawas sa load ng iyong card. Kaya kung hindi matagumpay ang transaksyon, maaaring hindi na sapat ang load sa iyong card o di kaya naman ay zero na ang balance nito.

Maaari din namang i-withdraw ang perang naitabi sa prepaid card. Maaari itong gawin over-the-counter (OTC) ngunit mayroong PhP50 na withdrawal fee. Bago makuha ang perang naitago sa prepaid card, kinakailangan ng personal identification number (PIN). Madalas na ipinadadala ang PIN sa cardholder ilang linggo matapos ang registration.

Paano Bantayan ang Gastusin sa Prepaid Credit Card?

Katulad din ng normal ng credit card, nagpapadala ang bangko sa cardholder ng listahan ng mga pinagkagastusan at kung magkano ito, kasama na ang mga dagdag na fees and charges (statement of account). Ipinadadala ito kada buwan sa pamamagitan ng email o snail mail, depende sa kagustuhan ng cardholder. Depende naman sa bangko o sa kumpanyang nag-issue ng card kung libre o may bayad ang pagpapadala ng statement of account.

Paano makakakuha ng Prepaid Credit Card?

Dahil bago pa lamang ang prepaid credit cards sa Pilipinas, mas mainam na itanong sa mga bangko kung nag-ooffer sila ng ganitong card product. Maaari ring maghanap ng impormasyon online.

Sino ang Pwedeng Gumamit Nito?

Kahit sino ay maaaring gumamit nito. Maganda ito para sa mga teenagers o sa mga taong mahilig mamili online. Bukod sa madaling gamitin, mainam ito dahil gagastusin mo lamang ang perang naipon mo sa card.

Kung nais mo naman ng normal na credit card, gamitin ang aming comparison table upang suriin at paghambingin ang credit cards na makikita sa aming website.

Leave your comment