Ang Sikolohiya ng Pamumuhunan
Ang sikolohiya o psychology ay gumaganap ng importanteng papel sa pamumuhunan. Maraming tao (kasama na ang mga mamumuhunan na magagaling at may mahabang karanasan) ang hindi nakakaalam sa impluwensya ng mentalidad ng mamumuhunan sa kanyang mga desisyon.
Sa baba ay inilalahad namin ang dalawang konsepto na hindi lamang kawili-wili, sila rin ay makakatulong upang umiwas ka sa paggawa ng pangit na desisyon sa iyong pamumuhunan:
Hindi Pagtanggap ng Pagkalugi
It ay isang nakakawiling eksperimento: Kung papipiliin ka sa pagitan ng
A) maliit na pagkalugi, at
B) isang tsansa na 50-50 ng alinman sa pagkalugi o pagkabalik ng puhunan
Alin ang pipiliin mo?
Narito ang isa pang katanungan: Kung sa halip na pagkalugi, ito ay ang pagpili sa pagitan ng
A) maliit na tubo, at
b) isang tsansa na 50-50 ng alinman sa malaking tubo at pagkabawi ng puhunan
Sa pagkakataong ito, alin ang gugustuhin mo?
Kung katulad ka ng mas nakararami, malamang ay pinili mo ang pangalawang opsyon (opsyon B) sa unang tanong, at ang unang opsyon (opsyon A) sa pangalawa.
Ang kagustuhan sa “tiyak na tubo” at “di tiyak na pagkalugi” ay karaniwan na sa mga mamumuhunan, at ito ang rason kung bakit may ilang mamumuhunan na “nagdo-double down” o ginagawang doble ang kanilang pamumuhunan kung nakakaranas ng pagkalugi ngunit mabilis namang “magbenta” sa mga pamumuhunan na kanila nang pinagkakitaan.
Mental Accounting
Ang Mental Accounting ay tumutukoy sa ugali ng mga mamumuhunan na “pagkakategorya” ng mga layunin sa loob ng kanilang isip. Pagkatapos nito ay nagtatalaga sila ng iba’t-ibang parte ng kanilang yaman para maabot ang iba’t-ibang mga layuning ito.
Halimbawa, balak mong bumili ng dalawang mamahaling bagay – isang computer at isang TV. Sa halip na tantyahin ang iyong kakayahan na bumili ng alinman sa dalawa, hahatiin ng mga taong gumagawa ng mental accounting ang kanilang yaman at maglalaan ng pera sa kada isang “layunin”. Katulad ito sa pagkakaroon ng dalawang magkahiwalay na alkansya na may pangalang “Computer” at “TV” kada isa, at ang pagbili lamang ng ninanais na bagay kung may sapat nang laman ang alkansya para dito.
Ang mental accounting ay kalimitang nagbubunga ng hindi maayos na paglalaan ng gugugulin ng pondong pamumuhunan o investment funds, subalit, ito ay isang mainam na paraan para matuto ng kontrol sa sarili at disiplina. Halimbawa, sa pamamagitan ng “pagsanay” ng iyong sarili na magtabi ng eksaktong halaga para sa isang layunin (tulad ng pambayad ng utang sa credit card/ mortgage, pag-iipon para sa edukasyon ng mga bata), mas malaki ang tsansa na hindi mo magagasta ang perang iyon at mas madali mo ring maisakatuparan ang iyon layunin.
Nagustuhan mo ba ito? Magbasa pa ng interesanteng mga artikulo ukol sa pamumuhunan.
Leave your comment