Ano ang Time Deposit? Paano ba ito Tumatakbo?
Ano ang Time Deposit? Ang Time deposit ay isang uri ng pag-iipon sa bangko o investment account na kung saan ang investor ay makakakuha ng Time rate ng interes. Bilang ganti, ang investor ay nangangako na hindi nya kukunin o gagalawin ang kanyang pondo sa loob ng nakatakdang panahon.
Sa Time deposit investment, ang interes ay binabayaran lamang sa katapusan ng termino ng investment. Hindi tulad ng regular na savings account, kung saan ang interes ay kinakalkula araw-araw at tipikal na binabayaran sa iyo sa katapusan ng bawat buwan. Sa kadahilanang ang termino ng investment at interest rate ay permanente, madali mong makalkula ang halaga ng interes na iyong kikitain sa katapusan ng anumang Time deposit investment.
Paano Tumatakbo ang mga Time Deposit?
Sa Time deposit, isa sa pinaka-kakaibang katangian nito ay ang hindi maaaring pagkuha ng pondo sa loob ng nakatakdang panahon.
Ang termino ng Time deposit ay magkakaiba mula 1 buwan hanggang 5 taon.
Kapag nag invest ka sa isang Time deposit investment, inaalok ka ng iba-ibang termino tulad ng 1 buwan, 3 buwan, 6 na buwan, 1 taon at iba pa.
Bawat termino ay may kaakibat na permanenteng interest rate. Halimbawa, kalimitang binibigay ng mga bangko ang interest rate sa isang paglalarawan tulad ng nasa ibaba:
Termino |
Interest Rate (% kada taon) |
1 buwan |
3.00 |
2 buwan |
3.00 |
3 buwan |
3.05 |
6 buwan |
3.10 |
12 buwan |
3.15 |
Ang ibig sabihin nito ay kapag pinili mong mag invest sa isang Time deposit na may 3 buwang termino, ikaw ay makakakuha ng interest rate na 3.05% kada taon sa katapusan ng tatlong buwan.
Gusto mo bang malaman kung anong banko ang nag-aalok ng pinaka mataas na interest rate? Paghambingin ang iba’t ibang time deposit sa Pilipinas gamit ang comparison table sa aming website at piliin ang angkop sa iyong pangangailangan.
Leave your comment