Ilang Bagay tungkol sa Corporate Credit Card

corporate credit cardsKung ikaw ay isang negosyante, kasosyo o director ng isang kumpanya; ang corporate credit card ay maaring makatulong upang mapadali at mapabilis ang prosesong pang-pinansyal ng inyong kumpanya.

Ano ang Corporate Credit Card?

Katulad ng pangalan nito, ang corporate credit card o kilala rin sa pangalan na card na pang-komersyal o pang-negosyo ay isang uri ng credit card na ginawa partikular sa mga mga transaksyon na pang-negosyo.

Sa kabuuan, ang corporate credit card ay katulad din ng ibang credit card. Isa din itong gamit sa pagbabayad ng inyong pinansyal na transakyon. Ito ay nagsisilbi ninyong pera upang makaiwas at maging panatag na hindi magdala ng malaking pera para bayaran ang inyong transaksyon. At katulad ng ibang cards, ang corporate credit card ay mayroon ding mga kasamang benepisyo at pribilehiyo ayon sa inyong pangangailangan.

Ang tanging pag-kakaiba nito sa ibang cards ay, ang corporate credit card ay ina-apply ng kumpanya at ibinibigay sa mga piling empleyado na itatalaga ng kumpanya. Sa madaling salita, ito ay magbibigay ng access sa mga napiling empleyado na gamitin ito sa patnubay ng kumpanya.

Mga Benepisyo ng Corporate Credit Card

Ang malaking bentahe ng corporate credit card ay ang pangako nito sa mas mabilis na pagproseso ng pinansyal na obligasyon ng isang kumpanya.

Sa pagkakatiwala nito sa mga piling tao – katulad ng mga director, mga senior o may mataas na katungkulan sa kumpanya kasama na din ang mga empleyadong ang trabaho ay may kinalaman sa madalas na pagbili ng mga item para sa negosyo- ang kumpanya ay mas makakatipid sa oras na nakakain sa pagpo-proseso ng mga reimbursement nila.

Isa pa, maari ding magkaroon ng epektibong kontrol ang kumpanya sa paggastos ng bawat isang empleyadong hahawak nito sa pamamagitan ng pag-aassign ng limitasyon sa card.

Higit sa lahat, ang paggastos gamit ng card ay magbibigay ng mga pribilehiyo katulad ng mga cash rebates o pagbalik ng ilang porsiyento ng iyong gastos, discounts sa mga piling establisyimento na makakatulong upang mas makatipid ang inyong kumpanya. Ang ilang bangko pa nga ay nagbibigay ng libreng “travel insurance” sa pagbili ng tiket gamit ang corporate credit card. Sa ganitong paraan, nakakatipid ang kumpanya sa pagbili nito kung ang mga empleyado nila ay ipinapadala sa ibang bansa.

Ang corporate credit card din ay isang epektibong paraan upang mas maging epektibo ang pag-mamanage ng pera ng kumpanya katulad na lamang sa kung ito na short o kulang sa pondo. Ang credit card ay nagpapalaki at nagpapalawak sa pinansyal na kapasidad ng kumpanya.

Isang halimbawa: Convenience na hatid ng Corporate Credit Card

Sa ordinaryong paniningil ng mga empleyado na nag-advance ng kanilang sariling pera kaugnay sa gastos na may kinalaman sa kumpanya, ang mga sumusunod na matagal na proseso ang kanilang kailangang pagdaanan:

  1. Pagbili o pagbayad ng mga kagamitan at transakyon kaugnay sa kumpanya mula sa sarili niyang bulsa.
  2. Pagtatago ng resibo;
  3. Pagfi-file ng singil sa katapusan o bawat quarter na kinakailangan ng pagfi-file ng form, pag-authenticate ng mga paggastos ng mga boss, pag-approve ng management at pagpo-proseso ng mga forms at resibo ng departdamentong pangasiwaan.
  4. Paghihintay ng oras para sa paghahanda, pagpirma at pag-disbursed ng cheke.

Sa corporate card, ang prosesong ito ay napapaikli, ang isang empleyado ay kinakailangan lamang i-swipe o gamitin ang corporate credit card at ang finance department na ang bahala mag-check ng kanyang paggamit nito. Sa ganitong paraan, ang kumpanya ay hindi nagkakaroon ng utang o pinansyal na obligasyon sa mga empleyado nito.

Paano mag-apply ng Corporate Credit Card?

Halos lahat ng bangko sa Pilipinas ay nag-ooffer ng corporate credit cards.  Para mag-apply, kailangan lamang ma-meet ng kompanya ang iba’t-ibang requirements katulad ng pag-sesecure ng financial standing ng kumpanya. Ang mga dokumento na kailangan dito ay iba-iba din ayon sa offer ng mga bangko.

Sa kabuuan, ang proseso ng aplikasyon ng kompanya ay nangangailangan ng mga sumusunod na dokumento:

  • Photocopies ng NRIC o passport ng mga napiling empleyado
  • Pinaka-bagong bank statement ng kumpanya sa nakalipas na anim na buwan
  • Pinaka-bagong financial statement ng kumpanya sa nakalipas na isang taon.
  • Resolusyon mula sa Board of Directors (para sa limitado o pribadong kumpanya)
  • Letter of Authorization (para sa partnership)

Ang aplikasyon at katanungan ay maaring gawin sa pagbisita sa bangko. O kung narito naman ang card sa iMoney’s credit card comparison table, maaari mo din itong gawin ng online na LIBRE!

Isang huling paalala, walang limit para sa bilang ng mga empleyado na maaaring mapagka-looban ng corporate credit card basta hindi ito sosobra sa kabuuan ng credit limit o limitasyon ng pag-utang ng inyong kumpanya.

Leave your comment