Anim Na Bagay Tungkol sa Prepaid Credit Cards
Kung ayaw mo na ng credit card pero kailangan mo pa rin ng plastic money, prepaid credit card ang sagot. Nariyan pa rin ang perks ng credit card, pero ang bentahe ay makokontrol mo ang perang iyong gagamitin dahil sa pre-loading mechanism nito.
Kung kailangan mo pang makilala ng lubusan ang prepaid credit card bago tuluyang gamitin ito, narito ang anim na bagay na dapat mong malaman.
Hindi Kinakailangan ng Ipakita ang Dokumento ng Kinikita
Ang pinakamalaking bentahe nito ay maaaring gumamit ang kahit na sino. Hindi na kinakailangang magpasa ng salary forms o EA forms na madalas na requirement kapag kukuha ng credit card. Mainam ito para sa mga maliit lamang ang sahod o sa mga bagong graduate na kapapasok lamang sa trabaho na nais mamili gamit ang plastic na pera.
Mas Kontrolado Mo ang Pagkakagastusan
Katulad naman ng debit card, magagastos mo lamang ang perang nakaload sa iyong prepaid credit card. Kung nasa halagang isang libo ang bibilhin ngunit PhP500 lang ang nakaload, hindi mo ito mabibili. Mainam na paraan ito para mabawasan o di kaya’y makontrol ang iyong mga pagkakagastusan. Tulad ng cash, mahirap gastusin ang pera kapag sakto lamang ito.
Hindi Lalaki ang Utang Dahil sa Interes
Dahil malaki ang mga interes na makukuha sa bawat paggamit ng normal na credit card sa iyong mga bibilhin, malaki din ang posibilidad na lalaki ang iyong pagkakautang. Sa kabilang banda, walang interes na makukuha sa prepaid credit card dahil hindi naman talaga ito mula sa “credit.” Mas mainam ito dahil magagastos mo lamang ang perang na-load mo sa iyong card.
Mas may Kasiguruhan Para Sa Iyong Pera
Hindi man maiiwasan ang identity theft o fraud sa lahat ng uri ng card products, mas may kasiguruhan kung prepaid credit card ang gagamitin. Hindi tulad ng debit card na naka-link sa iyong savings account o normal na credit card na kadalasang may malaking credit limit, ang mawawala lamang na pera sa iyo, kung sakali, ay yung nai-paload mo lamang.
Magagamit na Parang Credit Cards
Liban lamang sa pagpapa-load ng pera, parang normal na credit card din ang paggamit sa prepaid card. Magagamit ito sa mga local o overseas na outlets na may Visa o MasterCard na sign, depende sa prepaid credit card na gagamitin. Bukod dito, madali ring magagamit ito sa online shopping, mainam para sa mga mahihilig dito.
Ang Rewards ay Tulad din sa Credit Cards
Dahil sa lumalaking kompetisyon sa financial sector, maraming providers ang nag-ooffer ng prepaid credit cards na mayroon ding reward points tulad ng normal na credit card. Sa bawat pinamili, makakaipon ng mga puntos na maaaring ipalit sa vouchers o iba pang papremyo.
Nais mo bang kumuha ng prepaid credit card? Maraming bangko sa Pilipinas ang nagooffer nito. Maaaring pumunta sa mga website ng mga bangko upang kumuha ng impormasyon o di kaya’y magtanong ng personal sa kanilang mga branches.
Kung nais mo naman ng normal na credit card, meron kaming comparison table na makakatulong sa paghahambing ng mga credit cards upang makahanap ng tama para sa iyo.
Leave your comment