Bakasyon Ng Ligtas at Walang Stress

Couple Relaxing in the BeachAlamin ang Petsa ng Iyong Bakasyon

Ang petsa ng iyong bakasyon ay makakatulong ng malaki sa iyong pagpaplano. Domestic o international man, malaki ang epekto sa iyong kabuuang budget ang petsa ng iyong bakasyon. Madalas kapag Pasko natatapat ang bakasyon, malaki ang posibilidad na doble ang gagastusin kumpara kung regular na holiday ito matatapat (halimbawa: Araw ng Kagitingan). Mahalaga ding malaman ang petsa ng iyong flight dahil ito ang magiging schedule mo.

Bukod dito, mainam ding maghanap ng mga seat sales mula sa mga flight carriers tulad ng Cebu Pacific. Tandaan na dahil mas mababa ang presyo ng mga tickets na ito, kailangang maaga ring mai-book ang iyong mga flights.

Ano ba ang Gagawin mo sa Iyong Bakasyon?

Gamitin ang Google, at sa search bar hanapin ang “<Lugar ng Iyong Bakasyon> Things To Do” para makapamili sa iba’t ibang website ng mga maaaring gawin at puntahan sa iyong pagbabakasyunan. Mainam ang pagpaplano ng iyong sariling bakasyon dahil hawak mo ang budget at oras na gugugulin sa bawat lugar na pupuntahan, kaysa package tours, kung saan naka-schedule na ang mga gagawin pati na rin ang iyong mga gagastusin. Ang kapalit lamang ay ang oras na gugugulin sa pagpaplano ng buong bakasyon. Kung gayon, kumuha na ng papel o tablet para ilista ang mga bagay na gustong gawin at mga lugar na nais puntahan. Planuhin din kung gaano katagal ang oras na gagamitin sa bawat gawain. Mas mainam din kung maglalagay ng extrang oras para hindi magipit.

Pagplanuhan ang mga hindi Kanais-nais

Kahit gaano mo planuhin ang iyong bakasyon, tandaan na magkakaroon pa rin ito ng kaunting mga pagkakamali. Pero hindi nito ibig sabihin na huwag ka ng magplano; kaya tayo nagpaplano ng ating bakasyon upang panatag pa rin tayo kahit may emergency na mangyari. Siguraduhing mayroong sapat na credit cards na magagamit sa biglaang gastusin, mobile phone para sa komunikasyon, at travel insurance upang masigurong ikaw ay protektado. Kapag handa ka, hindi ka gaanong mamomroblema kung sakaling ma biglaang mga pangyayari. Sabi nga, “better safe than sorry.”

Maghanap ng Maayos na Tutuluyan

Mahalaga ding makahanap ng maayos na tutuluyan kung magbabakasyon. Mabuti na lamang at may internet para mapadali ang ating paghahanap. Bukod sa higit sa isang bilyong Google results, mayroon ding mga website na nagkukumpara ng mga accommodations na maaari mong magamit sa iyong bakasyon. Bukod dito, mayroon ding mga users na naglalagay ng kanilang mga comments na makakapagtunay kung okay talaga ang tuluyan na gusto mo.

Tarana’t Magbakasyon!

Ano pang hinihintay mo? Sumakay ka na sa eroplano at pumunta sa lugar na iyong pagbabakasyunan! Pero syempre, huwag kalimutan ang mga mahahalagang bagay na dapat mong dalhin. Kasama na dito ang credit card para sa emergencies, ang iyong passport at gamot. Kung naisama mo na iyan sa iyong mga dadalhin, huwag ka ng magsayang ng panahon at pumunta na sa lugar ng pagbabaksyunan. Iwanan mong pansamantala ang lahat at magsaya.

Nagpaplano ka ng iyong bakasyon pero parang may kulang sa mga sinabi naming tips? Tingnan ang aming credit card comparison chart at travel insurance comparison page ngayon. Ayaw mong masayang ang iyong bakasyon, hindi ba?

Leave your comment