Bakit mo Kailangan ng Real Estate Broker?

real estate broker to the rescueNaniniwala ang mga Filipino na kapag nakakakuha sila ng magandang deal ay parang na rin silang nanalo sa Olympics. Ito ay atin ng nakagawian na kaugalian na dapat na makuha tayo ang isang bagay sa maliit na halaga ngunit maganda ang kalidad. Sa totoo lang, ang perpektibong ito at isa sa ating malinaw na kagustuhan. Kapag ang mga Pinoy ay nakabili ng bahay, ito ay maituturing na pinakamahalagang “Olympics”. Dahil ang pagbili ng bahay ay kinakailangan ng malaking halaga ng pera at kadalasan, isang beses lamang nagaganap sa iyong buhay.

Katulad sa pagsali sa “Olympics” na palaro, kailangan mong magsanay upang ikaw ay manalo. Sa puntong ito ang pagiging coach ay maihahalintulad sa isang mortgage real estate broker.  Ang trabaho ng mortgage real estate broker ay maging tulay sa mga bumibili at nabebenta ng bahay. Paalala lamang na hindi nila ito ginagawa ng libre. Kinakailangan nila ng sapat na kabayaran dahil sila rin ay propesyunal. Ito ang mga rason kung bakit kinakailangan mong kumuha ng real estate broker sa pagbili ng pinapangarap mong bahay.

Ang mga Real Estate Brokers ay Isang Propesyunal

Bago makakuha ng titulong “Real Estate Real estate broker” o tagapamagitan sa pagbili ng lupa, kailangan muna ng mga ito na sumailalim sa eksaminasyon upang sila ay maging lehitimo. Sa pagsusulit na ito, sila ay sinusubukan sa teknikal na kakayahan, ekonomiks, at kaalamang pang legal. Bago ang eksam, kailangan muna nilang kumuha ng subject ukol sa kaalamang pang lupa na hindi bababa sa 120 oras ayon sa Professional Regulatory Commission (PRC) ng Pilipinas.

Ang Real Estate ay Maraming Koneksyon

Ito na ang kanilang ikinabubuhay, kaya alam na nila ang paraan kung paano makakuha ng pinaka magandang deal. Makakatulong din sila sa pag titipid sa oras at pag-handle ng mga nakaambang problema.

Ang Real Estate ay Iyong Kaibigan

(Ang mga tagapamagitan na rin ang bahalang makipag usap sa bangko ukol sa presyo ng bahay at pinakamagandang rates upang mabili ang iyong napusuang bahay. Higit pa dito, maari din silang magbigay ng payo sa bahay na dapat mong kunin, ang mas maganda pa rito, sila ay binabayaran lamang pag ang iyong home loan sa bangko ay na-approve at pinayagan. Kaya naman sila ang inyong kakampi at tagapagsalita.

Ang Real Estate ay Laging Maasahan

Hindi mo na kailangan pumila sa bangko para lang magtanong at kumuha ng loans. Hindi mo na rin kailangan tawagan ang bangko na magtatanong ng maraming katanungan na tumatagal ng mga dalawang oras. Higit sa lahat, karamihan sa mga nag-aaprove ng loan sa bangko ay wala sa opisina. Kung ikaw ay isang abalang tao, ang tagapamagitan ang solusyon sa inyong problema.

Kahit na sila ay binabayaran mo, sila naman ay makakatulong sayo sa pag babadyet ng iyong pera, maari ninyong bisitahin ang aming pag-lalarawan sa pagbili ng bahay sa Pilipinas. Huwag ninyong isipin ang halaga ng inyong investment, kailangan tingnan mo ito sa kabuuan.

Leave your comment