Bakit Nakakatulong Ang Isang Savings Account?
Maraming tao ang hindi nag-iipon ng pera. Pero, ayon nga sa mga kasabihan, ang pag-iipon ay isang magandang paraan ng paghanda para sa hinaharap. Kahit na ang savings account ay hindi na ganoon kasikat sa kasaslukuyan, maigi pa rin na mapag-aralan ang ganitong klase na produkto ng bangko.
Klase ng savings account
Tulad ng sinasabi ng mismong pangalan nito, ang silbi ng savings account ay ang makalipon ka ng pera isang account na nakapangalan sa iyo. Maaari itong invidiual or joint (kasama ang iyong kamag-anak, or business partner) account. Maliban dito, may mga partikular na klase ng savings account ang maaaring bagay sa ‘yo.
High-yielding savings account
Ang ganitong klaseng savings account ay nagbibigay ng mataas na interest rates. Magandang klase ng investment na ito sapagkat sadyang mababa ang panganib or risk nito. Ang natatanging disadvantage lang, may kataasan ang minimum deposit na kailangan para masimulan ito. Kalimitan, ang mga high-yielding savings account ay eksklusibo lamang para sa mga matataas ang kita.
Fixed interest account
Kalimitan din na kilala bilang fixed deposit o term deposit account, ang ganitong partikular na savings producy ay nagbibigay din ng mataas na interest rates. Pero, mayroong nakatakdang termino kung saan maaaring mag-withdraw ng pera mula sa ganitong klase ng account. Ang kagandahan naman dito, meron din itong choice kung gaano katagal ang ang terminong ito. Pwedeng piliiin ang short term accounts (halimbawa isa hanggang tatlong buwan, o long term, na umaabot hanggang limang taon.
Mga kinakailangan upang magbukas ng isang savings account
Dahil sa mga batas na naglalayong maiwasan ang money laundering, ang mga bangko ay mayroong mahigpit na requirements sa pagbubukas ng savings account. Ang karaniwang kailangang dokumento ay ang dalawang valid na ID at photocopy nito, billing statement, dalawang kopya ng 1×1 photo, filled-up application form at paunang deposito.
Maaari rin na hingin ng bangko na ang aplikante ay magpakita sa bangko mismo, bago ka makapag-bukas ng savings account.
Mayoon ding pangunang minimum na deposito para sa bawat klase ng savings account. May ilang bangko na may polisiya na magpanaitili ka ng regular deposit amount para maka-enjoy ng mas mataas na intrest.
Mga pakinabang ng pagkakaroon ng savings account
Ang ilang mga benepisyo ng pagkakaroon ng sariling savings account ay ang mga sumusunod:
Siguradong pera
Mahirap maghanap ng pera sa panahon na kailangan mo ito. Ang pagkakaroon ng deposit account ang panigurado mo na kung may dumating na emergency, mayroon kang pagkukunan na pondo. Hindi mo kailangan ng personal loan para lamang makabayad sa pangangailangan.
Pagkakaroon ng magandang credit rating
Ang pagkuha ng malaking loan ay mas madali kung mayroon kang savings account. Mas makukumbinsi ang nagpapahiram ng pera na kaya mong bayaran ang loan, kung mayroon kang solid na savings account, kahit na ang laman ng iyong savings account ay mas maliit kaysa sa nais mong loan.
Magandang investment
Ang mga savings account ay isa sa mga pinakaligtas na investment. Ang disadvantage nga lang ay nagbibigay ito ng maliit na kita. Pero, binibigyan talaga nito ng pagkakataon ang isang tao na kumita ng pera sa isang regular na paraan.
Hindi pa huli na maghanda para sa iyong kinabukasan. Mag-ipon ng regular para maisaayos ang yong buhay pinansiyal. Walang makasasabi kung biglang magkakaroon ng pagtaas o pagbagsak ng ekonomiya sa mga susunod na taon, kaya’t mas maganda na lagi kang handa.
Alamin kung ano ang pinakamagandang savings account ngayon!
Leave your comment