Home Loan Basics sa Pilipinas – Part 1

home loan in the philippinesAng pagbili ng bahay ang maaaring isa sa mga pinakamalaki at pinakamahalagang investment na iyong gagawin sa iyong buhay. Masaya pero napakahirap ng proseso na pagdadaanan mo dahil nangangailangan ito ng matinding pasensiya. Isang maling desisyon lamang ay magiging malaki ang epekto nito, maaaring hindi mo magustuhan ang iyong napiling bahay o maiwan ka sa napakalaking utang. Huwag mag alala pagkat andito na ang iMoney Philippines para tulungan kang pumili sa pamamagitan ng pagpapa-alam sa iyo ng lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa house loans.

May dalawa klase ng house loan sa Pilipinas, pwede kang mamili sa tradisyonal na home loan o ang Flexible Home Loan o mas kilala sa tawag na Flexi-Loan.

Ano ba ang Tradisyonal Home Loan?

Ang tradisyonal na Home Loan o mas kilala sa Inggles bilang Conventional Loan ay isang uri ng pa-utang na kinakailangan lang magbayad ng pare-parehong halaga kada buwan sa loob ng ilang panahon na iyong pipiliin. Kadalasan ang mga banko ay nagpapahintulot na umutang ang kliyente ng hindi bababa sa P500,000.00 at sa haba ng 20 taon. Mainam ito sa mga taong nais mapangalagaan ang kanilang pananalapi sapagkat ang bayaran ng tipo ng loan ay predictable.

Ano naman ang Flexible Home Loan?

Ang flexi loan ay isang uri ng tradisyonal home loan na nakatali sa iyong current account. Ang mga humihiram sa ganitong paraan ay may kakayanang paliitin ang kanilang interes sa bawat deposit nito sa kanilang current account, isa pa sa mga benepisyo ng ganitong loan ay lahat ng sobra sa dapat mong mabayaran kada buwan ay maaaring ma-withdraw kahit anong oras kahit hindi ka humingi ng pahintulot sa bangko. Maaari ring mabayaran kahit kailan ang pangunahing halaga.

House Loan Interest Rate sa Pilipinas

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kadalasan nakakaimpluensya sa magiging interest rate ng housing loan sa bansa. Sa ngayon, ito ay nasa 6% lending rate na nanganaghulugang 3.5% (Ang 2.5% ay Basic Lending Rate) ang magiging interest rate ng iyong loan.

Ngunit paalala, ang mga home loan interest rate ay pwedeng mag iba- at iba kada bangko at may kaukulang tax at karagdagang bayad ang mga ito. Paalala ding malaman na may tinatawag na “annual re-pricing” ng interest rate na maaaring magpataas ng iyong babayaran kada taon pero maaari ka pa din makapili ng home loan na may permamnenteng interest rate. Ang Bangko de Oro (BDO) ay nagibigay ng interest rate na 7.88% sa unang taon, 9.75% sa pangatlong taon, 10.00% sa panglimang taon, 11.00% sa ika-11 taon, 11.25% sa ika-15 taon at 11.50% para sa ika-16 hanggang 25 taon.

Rate Lock-in

Kadalasan ang ilang banko ay magdadag ng 2% na multa sa mga nanghiram ng home loan kapag hindi ito nabayaran sa takdang panahon. Pero maaari pa rin itong magbago depende sa mga bangko dahil marami sa mga ito ang mayroong “re-pricing” scheme. Ilan pa nga sa mga ito ay nagbibigay ng opsyon na ma-lock ang interest rate mula 1 hanggang ika-10 taon.

Magkano ang maari mong hiramin

Maraming mga bagay ang pwedeng maka-apekto sa maari mong mahiram na halaga. Kadalasan kailangan malaman ng mga bangko ang edad, at suweldo kada buwan ng apliakante, uri ng property at lokasyon nito at ang kasalukuyang halaga nito sa Mercado. Ang halagang maaaring mahiram sa bangko ay umaabot hanggang 90% ng halaga ng bibilhing bahay at lupa. Para sa iba pang impormasyon, maaaring pumunta sa mortgage section ng iMoney Phillippines.

Leave your comment