Mga Dahilan sa Hindi Pagkatanggap ng Travel Insurance
Maraming dahilan kung bakit hindi makatanggap ng travel insurance. Ang mga dahilan ay ang mga sumusunod:
Hindi Pag-aabiso sa Insurance Company
Ang isa sa pinaka-importanteng ng pagkakaroon ng isang travel insurance ay ang pagsasabi sa kumpanya ng problema sa paglalakbay. Mahalagang ipaalam sa travel insurance ang mga biglaang problema sa lalong madaling panahon. Sa ganitong paraan, mabilis silang makakatulong at makapag-bibigay ng solusyon sa problema.
Hindi Tamang Dahilan
Maaaring hindi makakuha ng claim dahil sa maling dahilan ng pagkuha o ito ay hindi sakop ng polisiya ng travel insurance. Hindi kapani-paniwalang dahilan ay kalimitan ng hindi tinatanggap. Ito ay upang masigurado na hindi magsasamantala ang mga tao sa insurance company.
Hindi Kabilang sa Polisiya
Ang iyong travel insurance ay kalimitang may polisiya kung ano-ano ang mga bagay na sakop ng insurance. Halimbawa ng hindi kabilang sa insurance ay ang pagkakasakit na sinasadya (tulad ng pagpapakamatay) at pagkalaglag ng batang dinadala.
Hindi Pag-aabiso sa Tamang Oras
Ang pag-aabiso sa tamang oras ay mahalaga dahil ang hindi paggawa nito ay maaaring maging dahilan ng pagka-walang bisa ng insurance. Kung nagkataon na nasa mahirap na sitwasyon at hindi mapaalam sa insurance ang nangyari sa tamang oras, maaari pa rin silang tawagan at ipaliwanag ang nangyari at ang dahilan sa hindi pagtawag agad.
Kakulangan ng mga Kailangang Dokumento
Sa halos lahat ng pagkuha ng insurance, sapat na dokumento ay kailangan. Halimbawa, kung kinailangan na mag-kansela ng isang trip dahil sa iyong kalusugan, ang iyong claim ay dapat na may kalakip na dokumento mula sa isang rehistradong doctor bilang patunay na hindi ka maaaring mag-travel. Siguraduhing magpasa ng orihinal na kopya at magtago ng sariling kopya.
Huling Pagbili ng Insurance
Kapag bumili ng ticket para sa isang flight, siguraduhing bumili din agad ng insurance. Ang insurance company ay tinatanggap lamang ang mga susunod na mangyayari. Kapag nagkataong may mangyari sa iyo habang nasa flight at binili mo ang insurance bago nangyari ito, hindi ito sakop ng insurance.
Laging maging responsable sa mga pag-aari at dala-dalahan upang maiwasan ang pag-kansela ng biyahe at pagkawala ng mga bagahe.
Upang makasiguradong magiging madali ang proceso ng pagkuha ng insurance claim, siguraduhing nkikipag-ugnayan sa isang rehistradong insurance company na may magandang record. Higit sa lahat, dapat na lubos na naunawaan at batid ang polisiya ng insurance bago ito pirmahan.
Sa mga pagkakataon na hindi ka kuntento sa sakop na benepisyo o ang iyong claim ay hindi binigay sa kung ano mang rason, maaari kang magpadala ng reklamo sa mga ahensiya ng pamahalaan na maaaring tumulong sayo. Narito ang proseso sa Paggawa ng Travel Insurance Claim.
Leave your comment