Debit Card vs Credit Card – Round 1

pile of credit cardsAnu-ano nga ba ang mga pagkakaiba sa pagitan ng debit card at credit card? Marami! ngunit ang pangunahing pagkakaiba ay kung ikaw ay “magbabayad ngayon” o ikaw ay “magbabayad pagkatapos”.

Paano gumagana ang bawat card?

Debit card

Sa debit card, ang bangko ay hindi ka bibigyan ng credit limit. At dahil diyan, ang pondo ay direktang kinukuha mula sa iyong bank account sa tuwing gagamitin mo and iyong debit card, ang ibig sabihin, Ang mga binili gamit ang iyong debit card ay hindi maaring humigit sa balanseng mayroon ka sa iyong bank account.

Credit card

Ang bangko ay bibigyan ka ng credit limit. Ikaw ay literal na “umuutang” ng pera para sa iyong mga binibili. Kadalasan, ang mga bangko ay nagbibigay 20 hanggang 45 na araw bilang palugit para mabayaran mo ang iyong utang. Kung hindi mo ito magagawa, ikaw ay magmumulta ng interes sa kung ano ang inutang mo.

Maliban na lamang kung ikaw ay isang maingat at matalino gumastos, ang mga credit card ay maaring maging sobrang bigat sa bulsa kalakip ang mga interes at dagdag bayarin.

Sa kabilang banda, dahil madaling mapasok ang iyong bank account, ang pag-iwas sa mga manloloko ay mas importante kapag ikaw ay nagmamay-ari ng isang debit card. Kung mapunta sa masasamang kamay ang iyong debit card, ang iyong bangko ay nasa piligro at posibleng maubusan ng laman.

Ngayon ay nakuha mo na – ang isang maiksing gabay sa pagkakaiba sa pagitan ng debit card at ng credit card. Gusto mong lubos pang maintindihan? Silipin ang ikalawang bahagi ng debit card vs credit card.

Nagustuhan mo ba ang paksang ito? Basahin rin ang aming mga kapaki-pakinabang na paalala sa paggamit ng credit card.

Leave your comment