Debit Card vs Credit Card – Round 2

Debit Card vs Credit CardSa unang bahagi ng debit vs credt card, ipinaliwanag namin kung paano gumagana ang debit card at credit card, pati na rin ang ilang pagkakaiba ng dalawa sa paraan na ikaw ay makakaiwas sa ilang manloloko gamit ang magkaibang card.

Ngayon naman, tignan natin ng mas maigi ang mga advantages at disadvantages ng debit card vs credit card.

Benepisyo ng Debit Card

  • Dahil diretsong binabawas ang pera mo mula sa iyong savings account, hindi nagkakaroon ng problema sa pagkakautang! Nababagay ang debit card para sa mga tao na laging may utang, dahil ang maaari mo lang gamitin sa debit card ay ang perang mayroon ka.
  • Madaling mag-apply ng debit card. Karaniwang savings or current account lang ng bangko ang kinakailangan dito. Wala nang credit checks!

Mga Panganib ng Debit Card

  • Mahirap na mag-waldas ng pera dahil ang laman lang ng bank account mo ang nagagamit mo tuwing debit card ang pinangbabayad mo. Ngunit, meron ding mga pagkakataon na baka ang binibili mo ay sumobra sa laman ng iyong account. Ang maaaring mangyari ay mapapatawan ka ng bangko ng tinatawag na “overdraft fee.”
  • Hindi tulad ng credit cards, ang mga debit cards ay hindi karaniwang may rewards programs at services.

Ngayon, pag-usapan naman natin ang credit cards.

Benepisyo ng Credit Card

  • Sa credit card, makakagamit ka ng pera na wala pa sa ‘yo, at parating pa lang. Sa madaling salita, maaari kang bumili kahit saan, at kahit kailan, basta’t hindi ka lalagpas sa iyong credit limit.
  • Maaaring gumanda ang iyong “credit score” kapag may credit card ka. Ang pagbayad sa takdang araw ng iyong credit card bill ay isang paraan ng pagbuti ng iyong credit score. Kapag maganda ang iyong credit score, pwede kang makakuha ng magandang rates sa mga iba mo pang loan.

Mga Panaganib ng credit card

  • Interest charges. Kapag gumamit ka ng credit card, para kang gumagastos ng perang hiniram mo. At pag gumamit ka ng perang hiram, may kinauukulang interest charges ito. Kapag hindi ka nagbayad ng bills mo sa takdang araw, baka magbayad ka ng mas mahal kaysa sa orihinal na presyo ng iyong mga binili.
  • Sa credit card, gumagamit ka ng pera na hind iyo. Kung wala kang sapat na pera para mabayaran ang credit card bill mo sa katapusan ng buwan, may panganib na mabaon ka sa utang.

Leave your comment