Debt Consolidation Gamit Ang Personal Loan

man getting out of debt through debt consolidationAno ang Debt Consolidation?

Ang debt consolidation ay ang pagsasama-sama ng mga utang para gawin itong iisang. Ito ay nagpapahintulot sa mga taong may maraming utang upang pag-isahin ang mga may matataas na interes at sa halip ay gawing iisa ang pagkakautangan ng mga ito sa mas mababang interes. Kadalasan, kung mas malaki ang iyong hinihiram na pera, mas bababa ang gastos sa iyong paghihiram (i.e. ang interes na bayarin sa utang). Samakatwid, kung meron kang iilang utang, gamit ang personal loan ay maari mo silang pag-isahin upang lumiit ang pangkalahatang interes na iyong babayaran.

Maliban sa matitipid mong pera sa mas mababang interes, ang pagsasama-sama ng iyong mga utang ay nagbibigay sa iyo ng kombenyensya upang bayaran ang mga ito sa iisang pinagkakautangan. Kadalasan, kumukuha ang mga tao ng mortgage, car at personal na mga loan mula sa iba’t-ibang institusyon. Hindi lamang marami at iba’t-iba ang interes ng mga ito, maging ang mga petsa kung kelan dapat sila babayaran ay iba’t-iba rin at kadalasan ay sakit sa ulo para i-manage. Ang pag-consolidate ng iyong mga utang ay makakatulong upang mas madali mong pangasiwaan ang mga ito sa pamamagitan lamang ng iisang buwanang bayad.

Mga Dapat Mong Malaman Bagi I-Consolidate Ang Iyong Mga Utang

Nakakapanghikayat mang pakinggan, may mga bagay na dapat tandaan bago i-consolidate ang mga utang. Oo nga’t ang pagsasama-sama ng iyong mga utang ay malaking tulong para makatipid ng pera ngunit ang ibig din nitong sabihin ay kailangan mong magbayad ng isang malaking halaga kada buwan. Samakatwid, kung hindi man maayos na mapangasiwaan ng isang may utang ang kanyang kasalukuyan at hinaharap na pananalapi ay maaaring mas lalo pa itong malulubog sa utang.

Ang unang dapat isaalang-alang para sa isang malusog na buhay-pinansyal ay ang pagtantya ng kalakihan ng halaga ng lahat ng iyong mga utang, ang iba’t-ibang buwanang bayarin at kung gaano pa katagal para mabayaran ng buo ang mga ito. Mainam na gumamit ng calculator sa puntong ito.

Ang susunod na hakbang ay ang pagkumpara ng iyong kabuuang halaga ng iyong mga utang at ang iyong kita. Kapag ikaw ay nakagawa na ng buod ng iyong kalagayang-pinansyal sa kasalukuyan, simulang lumapot sa mga bangko at ikumpara ang kani-kanilang mga interest rates, inihahandog na mga produkto, mga termino at mga kondisyon. Gumamit ng website na malaking tulong sa pagkumpara ng mga bagay na ito (gaya ng iMoney) para mapabilis ang proseso. Bagama’t nilalayon ng loan consolidation ang pagkakaroon mo ng mas mababang interes, mahalaga rin na pag-aralan ang iba pang mga bagay gaya ng kombenyensya at pagiging madali ng mga termino sa pagbabayad mo nito.

Sa huli ay dapat ring maging handa sa posibilidad na maari ring lumobo ang interes na iyong binabayaran sa iyong utang sa halip na paliitin ito. Ang loan consolidation ay hindi isang solusyon sa pagkakautang. Ito ay isang paraan lamang para pag-isahin ang iyong mga utang sa iisang malaking halaga. Kung ang iyong kasalukuyang buwanang bayarin para sa isang debt consolidation ay mas maliit ang halaga, pwedeng ang sanhi nito ay ang mas mahabang termino – ibig sabihin ay maaaring mas malaki pa ang interes na iyong kailangang bayaran para sa buong durasyon kumpara sa kung magkano lang dapat.

 

Handa ka na bang kumuha ng isang personal loan? Alamin kung aling mga bangko sa Pilipinas ang may pinakamababang interes ng personal loan.

 

Leave your comment