Epekto nang Hindi Pagbayad ng Buo Sa Credit Card

credit card trapAng hindi pagbayad ng kahit na pinaka-maliit na balanse sa credit card ay may kasamaang dulot. Para sa karamihan, ang credit card ay isang lisensya upang mapaginhawa ang buhay at maranasan ang “buy now, pay later” habang ini-enjoy ang mga ekslusibong prebilehiyo mula sa iba’t-ibang tindahan at establishimento. Kapag ang kautangan ay nagpatong-patong at ang di nababayarang balanse ay umabot sa credit limit, maaaring mahirapan sa pagsasa-ayos ng buwanang bayarin na hahantong sa pagkaka-baon sa utang.

Ang kalimitang nagiging problema ng mga mayroong credit card ay ang walang habas na paggastos gamit ito. Hindi nila nalalaman na kapag ang interest rates ay pagsasama-samahin, ito ay lumalaki na dagiging sanhi ng mahirap na pagbabayad ng utang sa tamang oras. Mapapansin na sa tuwing kukuha ng aplikasyon sa kumpanya para sa mga tulong pang-pinansiyal at mga serbisyo, kalimitan ng nagiging basehan ng kumpanyang aaplayan ang inyong credit ratings. Ito ang dahilan kung bakit kailangang pangalagaan ang mga transaksyon pang-pinansyal. Narito ang ilan sa kalimitang problema ng taong hindi nakakapagbayad ng utang.

Mataas (at nagpatong-patong) na interest charges

Ang pinaka-malimit na maaaring masamang maganap sa hindi pagbayad ng utang sa credit card ay ang pagkakaroon ng karagdagang utang at multa, tulad ng late payment fees at ang pinaka-importante, ang interest charges. Ang interes ay dumadami at ito ay pinagsasama-sama kada-buwan (COMPOUNDING INTEREST). Ang pinagsama-samang interes ay ang pinagpatong-patong na halaga mula sa interest sa bawat nabili gamit ang credit card, multa ng late payments at pati na rin ang mga naipong interes sa utang na di nabayaran.

Masamang Credit Ratings

Ang sumunod na problema ay ang hindi magandang credit rating. Kapag nagkaroon ng problema dahil sa hindi pagbabayad, maaaring humingi ng pangalawang pagkakataon sa kumpanya ngunit ang hindi pababayad at muling pag-ulit sa unang pagkakamali ay tiyak na makaka-apekto sa credit records mo. Dahil sa masamang credit ratings, mahihirapan na sa pag-aplay sa ibang kumpanya o kaya ay maaaring magkaroon ng mas mataas na bayad sa interest charge. Maliban pa dito, liliit ang pag-asa na aprubahan ang mga susunod na aplikasyon sa kumpanyang hihingan ng tulong pang-pinansyal. Ang masamang credit ratings ay magiging malaking sagabal sa kalayaang mag-aplay para sa mga darating pang tulong pang-pinansyal.

Demand Letters at Demanda

Ang pinaka-malalang problema na maaaring kaharapin sa hindi pagbayad ng utang sa credit card sa loob ng mahabang panahon ay ang pagpapadala ng kumpanya ng isang demand letters. Matapos maipadala ang una at ikalawang sulat at hindi mo pa rin mabayaran ang utang, maaari ka nilang ipatawag upang humarap sa husgado at idemanda. Ito na ang pinaka-seryosong bagay na hindi mo dapat ipagwalang-bahala.

Sa Pilipinas, walang nakukulong dahil sa hindi pagbabayad ng utang. Ngunit maaaring kuhain ng pinagkakautangang partido ang iyong mga ari-arian at iba pang kayamanan upang mabayaran ang mga pagkakautang.

Kami sa iMoney ay naniniwala na ang pinaka-mabuting paraan upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari ay: bayaran ang inyong utang sa credit card sa tamang oras!

Nagustuhan ang artikulong ito? Alamin kung paano ang pag-iwas sa pagkakaroon ng credit card interest at iba pang multa.

Leave your comment