Financing Sa Hire Purchase Sa Pilipinas
Ano ang Hire Purchase?
Nakahanap ka ng sasakyan na nakamangha sa iyo ngunit ang presyo nito ay nakakaalangan. Kadalasan, ang financing sa hire purchase ang tipo ng paraan ng pagpopondo na iyong hahanapin sa sitwasyong ito. Makakatulong ito na pondohan ang iyong pinapangarap na sasakyan sa pamamagitan ng installment kung hindi mo kaya ang pagbayad ng buo ng minsanan.
Ang hire purchase na kasunduan ay kalimitang tinutukoy na “car loan”. Kapag kumuha ka ng pondo para sa upa-pagbili, ikaw ang “taga-upa”, at ang nagpautang sa iyo ng pera (kadalasang bangko) ay ang “nagmamay-ari”. Sa Pilipinas, ang mga transaksiyong hire purchase ay napapaloob sa RA 2655. Ang kahalagahan ng batas na ito ay ang makabuo ng legal na karapatan at responsibilidad ang nagmamay-ari at umuupa.
Paano Gumagana Ang Hire Purchase?
Sa oras na makapili ka ng iyong pangarap na sasakyan, magbabayad ka ng pinakamababang deposito (halimbawa 10% ng halaga ng sasakyan) sa car dealer. Ang bangko kung saan ka nakipagkasundo ng hire purchase ang siyang magbabayad sa natitirang halaga ng sasakyan (kung saan ito ang 90%).
Sa pagkakataong ito, ang bangko ang teknikal na “may-ari” ng iyong pangarap na sasakyan. Pumasok ka sa kasunduan ng hire purchase upang “arkilahin” (o isipin mo ito bilang “upa”) ang sasakyan mula sa bangko sa naturang panahon. Bilang pasubali, nangangako ka na magbabayad ng buwanang installment (at interes) sa bangko.
Sa oras na lahat ng nakatakdang bayarin ay bayad na, ang pagmamay-ari sa sasakyan ay malilipat sa iyong pangalan.
Sa kasunduang upa-pagbili, hindi mo pagmamay-ari ang sasakyan na iyong binili hangga’t hindi mo nakukumpleto ang mga nakatakdang bayad na nakasaad sa kasunduan. Maaari kang kumuha ng financing sa iyong upa-pagbili mula sa bangko o sa pamamagitan ng nagbebenta ng sasakyan. Ang simpleng ilustrasyon sa ibaba ay nagpapakita ng transaksyon na nangyayari sa pagpopondo ng upa-pagbili, nagbebenta ng sasakyan at ng taga bayad (bangko).
Leave your comment