3 Garantisadong Tip Para ng Mga Mamumuhunan

investment tips para sa mga mamumuhunan

Watch these tipps when planning to invest and you will increase your profit.

1. Bigyang-pansin ang Gagastusing Puhunan

Mahalaga ang kapital. Ito ang isa sa mangilan-ngilang bagay sa mga mamumuhunan na maaaring hulaan at kontrolin. Kada pisong inilabas para sa paggastos sa ipupuhunan ay piso rin sa nababawas sa kita nito. At ito ay nagiging isang malaking halaga sa kalaunan.

Kasama sa mga malinaw na gastusin sa pamumuhunan ay ang administration/processing fee, entry fee, transaction fee, brokerage, komisyon, stamp duty at mga buwis.

Ang mga hindi naman masyadong klaro ay ang mga opportunity cost (ang kailangan mong isuko para gawin ang isang bagay), personal flexibility (halimbawa, obligasyong pagbayaran ang pagkakautang sa susunod na 20 taon), and stress (halimbawa, pamumroblema tungkol sa negosyo).

2. Mas Maliit Pa ang Alam Mo Higit sa Iyong Inaakala

Iwasang hulaan ang hinaharap. Maaari kang magkamali ng mas marami pang beses kesa iyong akala. Walang isa sa atin ang may kristal na bola.

Ngunit ginagawa ito ng maraming tao. Ang mga investment analysts/stock brokers ay nagtatala ng listahan ng mga stocks na may mga rekomendasyong Buy/Sell base sa kanilang tantiya kung ano ang kahihinatnan ng mga kompanya sa hinaharap. Ang mga economist ay nakakapagsabi kung ang mga interes ay tataas o bababa kahit wala pa mang nagaganap na mga pagpupulong sa reserve bank. Ang mga ahente ng real estate naman ay gumagawa ng mga chart na nagpapakita ng mga presyo ng mga ari-arian sa susunod na 20 taon.

Okey lang na sabihing “Hindi ko alam”. Totoo.

Sapagkat kung mas maaga mong mapagtanto ang mga hindi mo pa nalalaman, mas maaga mo ring mapagtutuunan ng enerhiya at pagsisikapang magamit ang mga bagay na alam mo na.

3. Gawin Itong Simple at Mag-Pokus sa Mga Mahahalagang Bagay

May ilang milyong paraan para kumita ng isang milyong piso, at hindi mo kailangang malaman ang lahat ng mga paraang ito para maging isang milyonaryo. Kailangan lamang na malaman mo talaga ng husto ang iilang mga paraan.

Pareho din ito sa pagnenegosyo. Libo-libo at iba’t-ibang mga produkto at estratihiya ang inaalok ngayon at mas marami pa ang “iniimbento” araw-araw. Subalit, iilan lamang ang talagang mahalaga. Mag-pokus sa mga importanteng bagay at unawaing maigi ang mga ito.

***

May mga garantisado ka bang mga payo para sa mga katulad mong mga namumuhunan? Ilagay lamang sa mga komento sa baba.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito? Maaring magustuhan mo rin ang ang kaisipan ng tao sa pamumuhunan.

Leave your comment