Haka-haka sa Pangungutang Gamit Ang Credit Card

multiple credit cardsAng credit card  ay lubhang naging sikat, subalit, kalakip ng kasikatan na nito ay ang mga haka-haka at  kathang-isip tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin.

Aming inilista ang 4 na karaniwang mga haka-haka tungkol sa credit card

Hangga’t ikaw ay nakakabayad  sa takdang araw, ikaw ay hindi nabibilang sa  mga nakakalimot ng bayad

Malamang na ang pagbayad  ng maliit na halaga  sa iyong credit card sa takdang araw  ng bawat panahon ay mas kanais-nais kaysa sa hindi pagbabayad nang kahit ano. Gayunpaman, kung hindi ka magbabayad ng kahit na pinakamaliit na halaga sa takdang petsa, ikaw ay ibibilang ng iyong bangko sa mga nakalimot ng bayad. Ang resulta —  mas mataas na interes, multa sa nahuling bayad at hindi negatibong imahe sa anyo ng iyong credit.

Kailangan mong magkaroon ng balanse upang mabuo ang salaysay ng iyong kredito

Ito ay mali. Sa pagbuo ng salaysay ng iyong kredito, ang dapat mo lang gawin ay  simulang gamitin ang iyong credit card. Ang pagkakaroon ng hindi bayad na balanse ay hindi nakakatulong sa pagpapabuti  ng iyong  credit score, sa  halip, ito ay mag-reresulta lamang sa mas mataas na tubo!  Ang pinakamahusay na paraan pa rin ay pagbabayad ng mga bayarin nang buo  sa takdang oras  at  pangungutang ayon sa limitasyon ng iyong kredito.

Pagkakaroong ng mataas na limitasyon ng kredito ay masama

Ito ay totoo lamang kung ikaw ay gumagamit ng credit card nang nang hindi maiging sinusubaybayan ang iyong paggastos. Kung ikaw ay nag-iingat kung paano gamitin ang iyong card,ang pagkakaroon ng mataas na limitasyon ng kredito ay hindi magjging masama bilang nagbibigay ito ng  kakayahang bumaluktot. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng mataas na limitasyon sa kredito nang may mababang balanse sa pagkakautang ay makatutulong sa pagpapaganda ng iyong credit score.

Mas maraming credit card, mas mainam

Habang ang pagkakaroon ng maraming card ay pagkakaroon ng maraming magagamit na kredit, ito rin ay nakakaapekto sa iyong credit score.  Ang mga bangko sa kabuuan ay lubhang kinakabahan sa mga taong may napakaraming credit card. Bukod dito, kapag mas marami kang card, ikaw ay may inklinasyon na gumastos nang malaki!

Nagustuhan mo ba ang artikulo na ito? Baka gusto mo ring basahin ang 5 Paraan para Mapataas ang iyong Credit Score.

 

Leave your comment