Iwasan ang Pagbabayad ng Interest ng Credit Card

hand money caught in debt interest charges feesAng credit card ay, walang kaduda-duda, isa sa mga pinaka-maginhawa at kaakit-akit  na  produktong pananalapi para sa mga mamimili. Sa credit card, ikaw ay maaaring “bumili muna, magbayad mamaya” – ito ay parang hindi kapani-paniwala. Subalit, walang bagay ang dumadating nang libre. Dito pumapasok ang interest at iba pang mga bayarin.

Ang tubo o interest sa credit card na pinapataw ng mga bangko ay kabayaran sa pagbili natin ng mga  bagay at serbisyo nang hindi muna natin binabayaran. Ang tubo sa singil ay paraan ng bangko para kumita. Dagdag pa rito, ang mga bangko  ay naniningil din para sa pangungutang nang higit sa limitasyon (Over-Limit Fee), nahuling bayad (Late Payment Fee), paunang utang (Cash Advance) at iba pa.

Ang mga tao ay  karaniwang hindi alam o nahuhuli ng mga salitang ito. Makikita sa baba ang ilan sa mga hakbang na maaaring sundin upang  maiwasan ang pagbabayad ng  hindi kailangang bayarin at tubo (o kaya’y magbayad lamang nang kaunti nito):

Bayaran nang buo ang balanse

Ang PINAKAMADALI na paraan (marahil ay narinig nyo na ito) ay bayaran ng buo ang balanse kada buwan. Walang balanse, walang interest.

Samantalahin ang mga benepisyo ng paglilipat ng balanse o Balance Transfer Plans

Ang pagkuha ng 0% na plano sa paglilipat ng balanse o Balance Transfer Plan ay isa sa mga  paraan upang maiwasan ang  pabayad  ng sobrang interest. Subalit, ang mga planong ito ay karaniwang tumatagal lang sa maikling panahon..Kung ikaw ay may malaking balanse, siguraduhin ang pagsasamantala sa mga benepisyo ng  mga planong ito!

Alamin kung kailan matatapos ang panahon na hindi ka kailangang magbayad ng interest

Ang karamihan sa mga credit card  ay naglalaan ng karagdagang panahon (ang karaniwan ay 20 araw) kung kailan ang  pag-utang sa ganitong panahon ay hindi umaakit ng tubo mula sa bangko. Samantalahin ang ganitong panahon at  bayaran ang mga balanse bago matapos ang libreng interest.

Paliitin ang paggamit ng Paunang Utang o Cash Advance

Ang pagkakaroon ng salapi na hindi sa iyo ay lubhang nakatutukso, ngunit walang ibang paraan na ang nakuha mong salapi  ay makukuha mo nang walang kapalit. . Ang mga bangko ay karaniwang naniningil ng napakataas na tubo sa kahit anong paunang utang o cash advance, kaya’t subukang bawasan ito.

Bayaran ang credit card sa takdang oras

Ang pagbabayad ng multa sa nahuling bayad (Late Payment Fees) ay ay hindi talaga kinakailangan. Magbayad sa  tamang oras at makatipid ng ilang libong piso kada taon.

Subaybayan  ang paggastos  at iwasan ang pangungutang nang sobra sa limitasyon ng kredito

Kung ikaw ay sumobra na sa iyong limitasyon, ang mga bangko ay automatikong naningil ng multa (Over-Limit fee). Kung ikaw ay magsisikap na masubaybayan ang iyong paggastos, makakaiwas ka sa pagbabayad ng mga hindi kinakailangang multa.

Makikitang may maraming paraan ang bangko upang maningil sa paggamit ng credit card.  Marami rito ay lubhang hindi kailangan at maaaring iwasan, kaya’t maging matalinong mamimili at iwasang magbayad sa mga bayarin na ito mula ngayon. Magugulat ka na lang sa iyong matitipid!

Nagustuhan mo ba ang artikulo na ito? Tignan kung ginagawa mo ang mga karaniwang pagkakamali sa paggamit ng credit card!

Leave your comment