Diversification sa Pamumuhunan, bakit ito mahalaga?

Diversification sa Pamumuhunan

Ang Kahalagahan ng Diversification sa Pamumuhunan

Ang diversification ay maaring isang konsepto sa pamumuhunan na hindi masyadong binibigyang-halaga at hindi rin masyadong nauunawaan.

Kung iisipin, ito ay nararapat. Hindi mo dapat “ilagay sa iisang basket ang lahat ng mga itlog mo”.

Ang US Securities and Exchange Commission ay nagbigay ng mahusay na halimbawa sa konseptong ito sa kanilang website:

“Kahit minsan ba ay napansin mong ang mga tindera sa bangketa ay nagbebenta ng mga produktong umano’y walang kinalaman sa isa’t-isa – tulad ng mga payong at mga sunglass? Maaaring ito ay kakaiba sa simula. Sino nga ba naman ang bibili ng dalawa sa parehong pagkakataon? Maaaring hindi kailanman –  at ito ang punto. Alam ng mga tindera sa bangketa na mas madaling magbenta ng mga payong kesa mga sunglass kung umuulan. At kung mainit naman ang sikat ng araw, ang kabaliktaran naman ang nangyayari. Sa pamamagitan ng pagbenta ng sabay sa dalawang produkto – sa ibang salita, sa pamamagitan ng pag-diversify ng kanyang mga tinda – mas pinapaliit ng tindera ang tsansa na hindi makabenta maulan man o mainit ang araw.”

Galing sa: www.sec.gov

Ang susi sa kahalagahan ng konseptong ito ay nasa huling pangungusap sa taas. Kung tayo ay magda- diversify, nililiitan natin ang tsansang hindi kumita. Maraming mamumuhunan ang naghayag ng kanilang pag-unawa nito, ngunit iba naman ang sinasabi ng kanilang mga kinikilos.

Sa tingin mo ba ang pagkakaroon ng 50 stock portfolio ay nagbibigay na sa iyo ng sapat na diversification sa pamumuhunan? Ang sagot ay hindi kung ang lahat ng 50 na kompanya ay tumatakbo sa iisang bansa at silang lahat ay gumagalaw ng ayon sa parehong puwersa ng iisang ekonomiko.

Sa tingin mo ba ang pag-iipon ng iyong pera sa lokal na bangko ay nagbibigay sa iyo ng tunay na kawalan ng tsansa na mawala ito? Ang sagot ay hindi kung malaki ang pagbaba ng halaga ng salapi (oo nga’t hindi ka naman talaga “mawawalan” ng pera ngunit kung bumaba ang halaga ng salapi ay lumiliit din naman ang kakayahang bumili o purchasing power ng iyong pera. Hindi nga ba’t tayo ay namumuhay sa isang “global na ekonomiya”?).

Sa tingin mo ba ang pamumuhunan sa iilang ari-arian ay magkakanlong sa iyo laban sa isang mahinang market? Ang sagot ay hindi kung pare-pareho ang klase ng lahat ng iyong mga ari-arian (halimbawa ay mga apartment) at silang lahat ay matatagpuan sa isang lokasyon. Samakatwid, ang pagkakaroon ng maraming mortgages ay malimit na nakakataas ng tsansa sa pagkalugi, dahil mas pinapaigting nito pareho ang tsansang magtagumpay o malugi.

Ano Ang Bumubuo sa Isang Maayos na Diversified na Portpolyo?

Kalimitan, ang isang magaling na diversified na portpolyo ay may maliit na kahayagan sa alinmang partikular na dahilan o pangyayari. Ang mga dahilan o pangyayaring ito ay maaaring kasinlawak ng mga ekonomikong kondisyon ng isang bansa, o kasintiyak ng lokasyon ng ari-arian.

Ang problema ay ang pagkilanlan at pagbawas sa iyong pagkakalantad sa mga bagay o pangyayaring ito. Dapat tandaan na merong dalawang paraan para gawing mas maayos ang diversification ng iyong portpolyo sa pamumuhunan:

  • Taasan ang numero ng iyong mga pamumuhunan, o
  • Taasan ang klase ng mga pamumuhunan.

Ang isang portpolyo ng 50 stocks ay kalimitang hindi masyadong diversified kumpara sa isang portpolyo ng 5,000 stocks, at ang huli ay mas kalimitan ding hindi masyadong diversified kumpara sa isang portpolyo ng 5,000 stocks na may inilalaang mga gugugulin para sa mga bonds o hawak na salapi (cash).

Karaniwang iniisip ng mga tao na kailangan mong magkaroon ng malaking halaga ng pera para magkaroon ng isang diversified na portpolyo. Paano ka nga ba makakapagmay-ari ng isang portpolyo ng 5,000 na mga kompanya kung may ilang piso ka lang na pampuhunan?

Ang magandang balita ay – isa lamang itong sabi-sabi. Sa panahon ngayon, sa halagang ilang libong piso lamang, ay possible nang magkaroon ng libo-libong kompanya at ilang daang mga apartment, mga gusaling pang-opisina o mga shopping mall sa iba’t-ibang parte ng mundo– sa pamamagitan ng mga exchange traded fund (ETF) at mga Real Estate Investment Trust (REIT).

Ang pinakamagaling na parte – ito ay kalimitang hindi nangangailangan ng malaking gastos para isakatuparan.

Nagustuhan mo ba ‘to? Maaring magustuhan mo rin ang Ano ang Asset Allocation? Bakit Ito Importante? O binabalak mo bang mamuhunan sa stock market?

Leave your comment