Bakit mo kailangan magkaroon ng Credit Card?
Ang credit card sa mga nakaraang dekada ay nakalikom ng masamang reputasyon. Ang media sa pamamagitan ng TV at dyaryo ay nagpakita ng dismaya sa paraan kung paano ito gumagana at nagpakita ng opinyon kung bakit dapat hindi gumamit ang isa ng credit card. Maaaring narinig mo din ang iyong magulang na nagsabi na hindi makakatulong sa’yo ang credit card at ilulubog ka lamang nito sa utang. Maaaring totoo ang sinasabi nila pero madami ding benepisyo ang paggamit nito, tulad ng:
1. Ang iyong kaligtasan.
Sa takbo ng araw ngayon, ang pagdala ng P5,000.00 sa iyong pitaka ay maituturing ng delikado, hindi mo alam kung kelan aatake ang masasamang loob. Sa pamamagitan ng credit card, magagamit mo ito bilang pamalit sa cash.
2. Nakakapagtaas ng kredibilidad ang credit card.
Nitong nakaraan nag-aplay ka ba sa isang postpaid plan o kaya personal loan? Napansin mo ba na tinatanong ka kung meron kang credit card? Ang mga bangko ay magtatanong ng ilang impormasyon sa’yo para malaman nila kung magkano ang kanilang mapapahiram. Kailangan magkaron ang mga banko ng level of confidence bago ka nila pahiramin ng pera.
3. Mga Diskwento.
Marami na sa mga credit card ngayon ay nakikipag sosyo na sa ilang restawran, hotel at mga gas company. Halimbawa, ang BDO credit card ay naki-sosyo sa Bench at Forever 21. Sa paggamit ng mga BDO credit card ay makakatipid ka ng malaki kung lagi ka naming bumibili sa mga damitang ito.
4. Cashback feature.
Sa pagbabayad mo ng kuryente, tubig at pagbili ng mga pagkaen at gamit sa bahay, ang porsyento ng magagastos mo ay magiging savings mo. Para malaman mo kung ano pwede mong pagpilian sa cashback credit card.
5. Rewards feature.
Sa bawat peso na iyong magagastos ay may karampatang points ka na matatanggap at magagamit mo ang points na ito sa susunod mong pamimili at maaari mo din itong gamitin sa pagbili ng plane tickets. Ito ang ilan sa mga rewards credit card sa merkado.
6. Pagbili sa ibang bansa.
Hindi ka maaaring magdala ng maraming pera kung balak mo mag-shopping sa ibang bansa. Kesa gumamit ka ng debit card,mas mainam ang paggamit ng credit card dahil mas mura ang singil nito sa pag proseso ng iyong binili.
Salungat sa paniniwala, ang credit card ay mas nakabubuti kung gagamitin ito ng wasto at nang … maayos. Dito sa iMoney Philippines naniniwala kami na ang pinakamahusay na paraan upang manatili kang malayo mula sa utang sa credit card ay ang pagbabayad pa rin ang iyong credit card bill ng buo sa bawat buwan. Interesado ka ba sa pagkuha ng credit card? Alamin ang iyong mga pagpipilian sa pamamagitan ng paggamit ng aming comparison chart at paghambingin ang iba’t ibang credit card. Huwag mag-alala, libre ito!
Leave your comment