Mga Klase Ng Home Loan Sa Pilipinas

klase ng home loanDahil madaming mga bangko dito sa Pilipinas ang nagbibigay ng home loan, hindi nakagugulat na madaming tao ang nahihirapang maintindihan ang iba’t ibang klase ng home loans.

Conventional Home loan

Ang conventional home loan ay ang pinakakaraniwang kinukuha ng marami. Sa conventional home loan, ang humihiram ang pera ay sumasangayon na bayaran ang loan amount kasama ng interest sa sa isang nakatakdang haba ng panahon.

Karaniwang nagpapataw ang bangko ng 1) fixed o 2) variable interest rate sa mga conventional home loans (o kumbinasyon nitong dalawa). Karamihan sa mga home loan sa Pilipinas ay variable interest rate loans, kung saan nakatali interest rate sa Prime Lending Rate (PLR) ng mga bangko.

Flexi Home Loan

Dahil nagbabago na ang panahon at umiinit ang kumpetisyon, ang mga bangko ay napipilitang gumawa ng mga bagong home loan products. Ito ang nagbigay daan para sa mga flexi home loan products.

u

Tulad ng sinasaad sa pangalan nito, ang flexi home loan ay nabibigay ng karagdagang flexibility sa mga humihiram ng pera. Ang flexi home loan ay isang home loan na nakakabit sa isang current account. Sa flexi home loan, ang humihiram ay may kapangyarihan na mag withdraw o magbigay ng karagdagang bayad kahit kailan, na hindi kailangang ipaalam sa bangko.

Ang flexi home loans ay bagay sa mayroong mga extra cash flow. Sa bawat buwan, ang loan installment ay automatikong binabawas sa linked current account, at ang balanse ay mapupunta sa pagbawas ng halagang kulang na kailagan bayaran. Interesado ka ba makakuha ng home loan, tignan ang aming home loan comparison table.

Leave your comment