Mag-aApply ka na ba ng Corporate Credit Cards?
Ang corporate credit card ay isang magandang paraan upang mapadali at mapabilis ang pagproseso ng pagbabayad ng isang kumpanya. Subalit, maaari din itong maging sanhi ng problema kung ito ay hindi napapangasiwaan ng tama.
Sa article na ito, kami ay naglista ng ilang mga paalala sa lahat ng mga nagmamay-ari ng isang kumpanya para sa isang matalinong pagpapasya bago ipagkatiwala ang corporate credit cards sa ilang empleyado.
Gumawa ng Isang Solidong Patakaran
Katulad ng ibang aspeto ng iyong negosyo, kailangan ang paggawa ng tamang pamamaraan at patakaran na dapat sundin ng iyong empleyado sa paggamit ng corporate credit cards. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Ang klase o posisyon ng isang empleyado sa kumpanya na maaaring gumamit o pagkatiwalaan ng corporate credit cards.
- Ang limitasyon ng paggamit nito ayon sa klase ng isang empleyado
- Ang uri ng mga transaksyon na maaaring pasukin at paggamitan nito ayon sa mga item na kailangan ng kumpanya o mga limitadong mga pagbibilhan kung saan puwedeng gamitin ang corporate credit cards.
Importante ang ganitong mga patakaran upang hindi maabuso ang paggamit ng corporate credit cards. Kung wala ang mga ito, maaaring magresulta sa mas malaking problema ang paggamit kesa sa convenience na hatid nito. At ang pagbuo sa mga patakarang ito at kailangang pagbuhusan ng panahon at kaisipan.
Pagtatatalaga ng Isang Mapagkakatiwalaang Tao
Maaaring ang mga patakaran ay nabuo na, subalit mahalaga ding magtalaga ng isang tao o grupo ng tao na iyong mapagkakatiwalaan upang pangasiwaan ang paggamit ng corporate credit card account. Sila ay maaring bigyan ng responsibilidad at tungkulin upang:
- Suriing mabuti ang lahat ng mga transakyon kung saan ginamit ng corporate credit cards upang malaman kung ito nga ay nagagamit ayon sa patakaran ng kumpanya.
- I-trace, hanapin at i-authenticate ang pinagmulan ng paggastos ng bawat taong may hawak nito tuwing katapusan ng buwan.
- Sundan ang mga kahina-hinalang mga transakyon na hindi ayon sa patakaran at hindi na-aprubahan.
- Ang pag-balanse sa paggastos gamit ang card at sa kalagayang pinansyal ng kumpanya.
Kung hindi magtatalaga ng tao na mangangasiwa at patakaran sa paggamit ng card, maaring mag-resulta ito sa overspending o labis na paggamit o pang-aabuso ng mga empleyadong may hawak nito. At kung wala kang available na taong gagawa ng pangangasiwa, maging handa na ikaw mismo ang mag-suri ng paggamit nito.
Posibilidad ng Labis na Paggamit o Pag-Aabuso sa Card
Kahit na ang mga polisiya at patakaran upang pangasiwaan ng corporate credit card ay malinaw na nabuo, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng potensyal na pag-aabuso sa credit card.
Ang pag-aabuso sa card ay maaring gawin sa malawak na pamamaraan. Isa rito ang paggamit ng empleyado sa personal niyang pangangailan (Halimbawa ang pagbili o pagbayad ng pagkain sa labas ng kumpanya o kaya para sa personal na paggamit) o maari din itong gamit sa labis na pagbili ng mga supplies at palalabasin na ito ay kailangan sa opisina ngunit ang totoo ay supply sa kanilang bahay. Kung hindi ito pag-uusapan at aaksiyunan ang mga maliliit na pang-aabuso ay magdudulot ng isang “unethical” na practice sa kumpanya at maaaring masanay ang mga empleyado sa ganitong pang-aabuso.
Isa ito sa mga dapat i-konsidera ng may-ari ng kumpanya bago magbigay o mag-issue ng corporate credit cards. Lalo na kung walang tao na laging magbabantay at susuri sa mga transakyon na kanilang pinapasok gamit ang card. Ito ay dahil na din sa banta sa iyong pinasyal na katayuan.
Kailangan mo ba Talaga ng Corporate Credit Cards?
Katulad ng personal na credit card, ang pagkuha corporate credit card ay isang bagay na dapat malalim na pag-isipan. Maaring malaki ang benepisyo nito sa pagpapadali at pagbilis ng mga transakyong pinansyal para sa inyong kumpanya, ngunit katulad na nga ng mga nabanggit, ang mga patakaran at polisiya ay dapat munang malinaw at naiintindihan mo at ng iyong mga empleyado.
Kung ang pag-aapply ay magdudulot sa inyo ng mas maraming katanungan kaysa sa sagot, maaring hindi pa handa ang iyong kumpanya sa isang corporate credit card. Bakit hindi nyo subukan icheck ang aming comparison table para paghambingin ang iba’t ibang credit card upang makahanap ng babagay sa uri ng negosyo o pangangailangan.
Leave your comment