Wais Tips: Paano Makakatipid ng Pera ang Filipino – part 2
Sa huli nating blog post, napag-usapan natin kung paano makakapag-ipon ng pera sa pamamagitan ng alokasyon ng iyong sahod sa iyong ipon sa bangko, pagbawas ng gastos at sa pagkuha ng madaling pera o easy money. Ngayon ay pag-uusapan natin ang pagtitipid sa pagtaas o pagdalas ng iyong paggastos.
Kadalasan, ang pagtaas ng iyong sahod ay kaakibat ng paghanap ng bagong trabaho. Nanganagailangan ito ng maraming oras at kalimitan, kakaunti na lamang ang natitira sa iyong oras. Bilang halimbawa, magtatala ako ng ilang paraan upang kumuta ng pera na kakaunti lamang ang gagawin.
1 Itago ang pinag-lumaan
Sabi nga nila, “May pera sa basura” o sa Inggles, “A man’s trash is another man’s treasure.” Sa pagsabog ng tinatawag na Information Age napakarami na ng website na pwede mong ibenta ang iyong lumang gamit, ilang halimbawa ang sulit.com.ph, ebay.ph at olx.com. Ang maganda dito, kikita ka ng walang kahirap hirap dahil kapag may naghanap ng iyong binebenta dito, mabilis na ang transaksyon. O kung ikaw yung tipo na mahilig magbenta, magsimula ka ng magtayo ng isang ‘online store’. Simple lang ito, kailangan mo lang mag-isip ng produkto na madaming tao ang naghahanap. Ang maganda ditto, hawak mo ang oras mo.
2 Babayaran ka habang ikaw ay gumagastos
Ang konsepto ng cashback credit card ay nagbibigay ito ng ‘rebate’ o tipong ‘diskawnt’ sa bawat bili mo ng grocery, gaas o kahit sa bayad mo sa tubig. Ang maganda dito, may kakayahan kang i-enroll ang iyong mga bills para bayaran ang sarili nito gamit ang ‘direct debit’, upang walang interest na matamo sa transaksyon na ito at makuha ang ‘diskawnt’ na mahigit sa 10% ng kabuuan ng iyong pinamili.
3 Mabayaran para sa iyong opinyon
Maraming kompanya na ang pumupunta online at gusto ka nilang marinig, marinig ang iyong opinion sa lahat ng kanilang ibebenta. Maari kang kumita ng pera sa pagsagot ng mga sarbey. Ang maganda ditto, kailangan mo lang maging tapat sa sarili at hindi nito kailangan ng kahit anong eksperyens. At sa latotohanan, marami ang kumikita ng malaki dito.
4 Kumita ng pera sa ang iyong bahay
Nasa-uso ngayon ang ‘backpacking’ at marami sa nagpupunta ng Pilipinas ay mga ‘backpackers’ o yung mga naglilibot sa isang bansa na ‘budget’ dahil sa gusto nilang libutin ang mga bansa ng mas totoo at mas local. Dito papasok ang easy money. Maaari mong irenta ang iyong bahay para sa mga naglalakabay sa Pilipinas. Ang kailangan lang ay ang pagiging maasikaso at malinis ng may-ari at ng kanilang hihigaan.
Napakaraming paraan para kumita ng easy money, malikot ang ating imahinasyon at kung tayo ay magreresearch at maghanap ng mga ideya, napakadaling kumita. Magdudulot ito ng napakaganda sa hinaharap mo at ng iyong pamilya, lahat ay possible kung ikaw ay disiplinado sa iyong pera, malay mo ito pa ang mag umpisa ng iyong dream business.
Leave your comment