Manatiling may Kontrol sa iyong Utang
Ang pagkakaroon ng mga utang ay hindi agad nangangahulugan na ito ay masama. Samakatwid, kung ikaw ay maingat na nangungutang, ito ay nakakatulong pa upang madagdagan ang iyong pinansyal na yaman. Sa kabilang banda naman, ang hindi mabuting pangangasiwa ng utang ay maaaring magdala sa iyo sa kahirapang pinansyal.
Narito ang mga tip na tinipon ng iMoney Research Team upang tulungan kang manatiling may hawak ng kontrol:
Utang na Batay Sa Iyong Makakaya
Mangutang lamang ng halaga na kaya mong bayaran gamit ang iyong kasalukuyang kinikita. Huwag mangutang batay sa kung ano ang inaasahan mong kikitain sa hinaharap sapagkat maaring hindi iyon ang magiging kahihinatnan. Inirerekomendang ang bawat Pilipino ay hindi lalampas sa Debt Service Ratio (DSR) na 30%. Ang DSR ay kinakalkula bilang [kabuuang halaga na obligado mong bayaran]na hahatiin sa [iyong maiuuwing kita]
Halimbawa, kung ang iyong inuuwing kita ay P15,000 kada buwanang sahod (i.e. pagkatapos ng pagbawas para sa buwis, PhilHealth, SSS/GSIS, atbp.), dapat ay hindi lalampas sa P4,500 (30% ng P15,000) ang dapat mong ilaan bilang pambayad sa iyong utang.
Bawasan Ang Mga Bayaring Pang-Credit Card Kung Maaari
Magpokus sa pagbabayad ng kabuuan mong balanse sa iyong credit card kada katapusan ng buwan upang makaiwas sa pagbayad ng interes. Ito ay dahil ang interes na pinapataw sa mga credit card ay kalimitang mas mataas kesa sa mga karaniwang mga pautang. At kahit pa man hindi mo mababayaran ng buo ang iyong balanse, tangkain pa ring magbayad ayon sa iyong makakaya. Ito ay sapagkat ang sobra sa minimum na binayad mo ay makakatulong upang paliitin ang iyong natitirang balanse at tinutulungan ka din nitong makatipid sa pera.
Kung maari ay piliin ang mga walang interes ngunit simpleng paraan sa pagbayad sapagkat ang mga ito ay makakatulong upang mailatag mo ang iyong pagbabayad sa mahabang panahon – malimit nasa 6 hanggang 12 na buwan – ng walang karagdagang bayarin basta’t ikaw ay hindi nahuhuli sa pagbabayad.
Gamitin Ang Awtomatikong Paraan ng Pagbabayad
Pag-isipang gumamit na lamang ng awtimatikong paraan sa pagbabayad upang makaiwas na pumalya sa mga nakatakdang bayaran. Halos lahat ng mga bangko ay pumapayag na magtakda ng mga awtomatikong pagkukuha ng pambayad mula sa iyong savings account para sa iyong buwanang mga bayarin.
Ugaliing Magbadyet
Planuhin ang iyong mga pagkakagastusan at manindigan dito. Disiplina ang tanging susi. Kung makikita mong mahirap labanan ang temptasyong gumastos, magtakda ng awtomatikong paglilipat o automatic transfer ng parte ng iyong sweldo sa araw na ikaw ay sumahod upang may mailaan kang pambayad sa iyong mga utang.
Nalutas ba ang iyong mga problema sa utang ngunit nahihirapan kang kumbinsihin ang mga bangko? Narito ang mga tips kung paano ayusin ang iyong credit score.
Leave your comment