Mortgage Redemption Insurance: Gabay Sa Bibili ng Bahay
Kung ikaw ay bibili o nagbabalak bumili ng bahay o property gamit ang home loan, ikaw ay ire-require ng bangko na magbayad ng Mortgage Redemption Insurance o MRI.
Kung ngayon ka pa lamang bibili ng ari-arian at nagtataka kung bakit kailangang maglabas ng ganito kalaking halaga para sa isang uri ng insurance, hayaan mong tulungan ka naming maintindihan ito sa madaling paraan. Narito ang ilang gabay para sa Mortgage Redemption Insurance.
Ano ang Mortgage Redemption Insurance?
Ang Mortgage Redemption Insurance (MRI) ay isang uri ng insurance na nagbibigay ng pinansyal na proteksyon para sa mga indibidwal na kumukuha ng loan. Kung sakaling mamatay o magkaroon ng total disabilidad ang humiram o kumuha ng loan, hindi na mag-aalala pa ang pamilya para sa kanilang property dahil ang Mortgage Redemption Insurance ang gagamitin upang ma-settle ang natitira pang bayarin para sa property.
Bakit mo Kailangan ng Mortgage Redemption Insurance?
Gaya ng nasabi, ang Mortgage Redemption Insurance ay isang uri ng proteksyon para sa mga taong kumukuha ng loans, lalo na sa mga itinuturing na tagapagtaguyod o bread winners ng pamilya.
Sakaling mamatay o magkaroon ng permanent disability ang kumuha ng home loan, lalo na kung siya ang kumikita ng malaki sa pamilya, nagiging malaking problema ang pagbabayad sa natitira pang bayarin para sa property o bahay. Maraming pagkakataon na pinipiling ibenta ng pamilya ang property sa mas murang halaga para mabayaran lamang ang utang.
Kung mayroong Mortgage Redemption Insurance, hindi na mahihirapan pa ang pamilya sa pagbabayad ng utang dahil Mortgage Redemption Insurance ang gagamiting pambayad dito.
Paano Mag-Apply ng Mortgage Redemption Insurance?
Hindi na kailangan pang humanap ng MORTGAGE REDEMPTION INSURANCE provider kung dito sa Pilipinas kukuha ng property dahil madalas ng kasama na ito sa kabuuang proseso ng home loan application. Kadalasan ay pagbabayarin lamang ng isang beses ng MORTGAGE REDEMPTION INSURANCE premium ang hihiram. Ibig sabihin ay hindi na magbabayad kailanman sa kabuuan ng policy.
Ilang Paalala sa Mortgage Redemption Insurance
Tulad ng ibang uri ng insurance policy, may tiyak itong insured amount at kabuuang period ng policy. Tandaan na kung sakaling mamatay ang humiram o magkaroon ito ng permanent disability, tanging ang covered amount lamang ang sakop ng babayaran ng Mortgage Redemption Insurance sa nakatakdang petsa, ayon sa pinirmahang polisiya. Hindi nito babayaran ang lahat ng pagkakautang sa bangko.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga home loan applicants na kumuha ng Mortgage Redemption Insurance ayon sa iyong kagustuhan at hindi lamang dahil ito ang pinakamura. Para sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng pamilya, ang pagbili ng maximum coverage ay mas mainam kahit na mas malaki ang halagang babayaran. Mainam ito dahil mas lalong malalagay sa suliranin ang pamilya kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa humihiram. Para naman sa mga pamilyang marami ang kumikita, maaaring kunin ang Mortgage Redemption Insurance na mas maliit ang coverage.
Nagustuhan mo ba ang article na ito? Makakatulong din kung babasahin ang mga madalas ng pagkakamali ng mga Pinoy ukol sa pagkuha ng mortgage loan.
Leave your comment