Ang Mundo ng Priority Banking
Nagtataka ka ba kung bakit laging mayroong counter na nakalaan sa “Priority Banking” sa mga bangko? Nagtataka ka rin ba kung bakit itong mga counters na ito ay madalas walang laman kahit na laging maraming parokyano?
Sa artikulong na ito, ipapaalam sa inyo ng iMoney ang tungkol sa popular na serbisyo ng bangko, at kung paano ka makakasali dito.
Ano ang Priority Banking?
Katulad ng nasasaad sa pangalan, ang Priority banking tumutukoy sa ekslusibong pangkat ng serbisyo ng bangko o nauukol sa pananalapi ng produkto na nireserba ng bangko para sa piling customer na pumuno sa tiyak na pamantayan. Ang Priority banking ay tinatawag din na “Privilege banking”, “Pribadong banking”, “Premier Banking” at iba pang katulad na salita na tumutukoy sapagiging ekslusibo o pagiging prayoridad ng bangko.
Paano Ako Magiging Priority Banking Customer?
Bawat bangko ay may iba’t ibang pamantayan para sa pag-papa miyembro sa kanilang Priority banking. Kadalasan, ito may kaugnayan sa pagtugon sa minimum na deposito o puhunan na nagkakahalaga ng PHP 500,000.00 sa iyong bangko. Halimbawa: Kung mayroon kang 150,000 na ipon at PHP 350,000.00 na puhunan sa iyong account sa iisang bangko, magiging karapat-dapat kang kandidato sa priority banking. Paalala na ang karaniwang balanse ay mananatili ng di bababa sa anim na buwan.
Sa teorya, ang pagpapa-miyembro sa Priority banking ay binibigay lamang sa pamamagitan ng imbitasyon ng bangko, ngunit sa nakasanayan, ang mga customer ng bangko na may sapat na deposito at puhunan sa kanilang account ay hindi dapat nagkakaroon ng problema sa pagpapa-miyembro kahit na hindi sila nakatanggap ng imbitasyon.
Karaniwang Benepisyo Para sa Mga Kostumer ng Priority Banking
Mayroong higit isang daan na iba’t ibang pribileheyo sa Priority Banking, karamihan sa bangko ay patuloy pagbibigay ng alterations para tugunan ang kagustuhan ng kanilang mga ‘elite’ o espesyal na mga customers. Sa pangkalahatan, ito ang kasama sa ilang benepisyo:
- May mga counter na nakalaan lamang para sa mga Priority Banking customers upang hindi na sila maghintay o pumila sa bangko.
- Mayroong nakatakdang Relationship Manager para sagutin ang mga katanungan ukol sa pera, umaasikaso sa transakyon sa bangko, tumutulong na pamahalaan at maglingkod sa pangangailangan ukol sa pera.
- Madaling nalalaman ang mga “special promos” (tulad ng malaking interest sa time deposit) at ilang konsiderasyon sa mga promo.
- Mas magandang banking rates na sakop ang alinmang savings at time deposit accounts sa home loans.
- Mas madaling pagkuha para sa mortgages at loans o utang.
- Lahat ng uri freebies, na maaring maging anumang bagay mula sa tickets sa “invite-only” seminars, credit card na wala ng annual fees at mga espesyal na regalo, diskwento sa mga lokal na retailers at pagbibigay ng libreng paradahan ng sasakyan sa distrito.
Leave your comment