Mutual Funds, ang mapagkumbabang Investment

mutual funds is like a jar of coinsMas kilala sa tawag na mutual funds, nagsimula talaga ang ganitong uri ng investment sa kasabihang “Eendragt Maakt Magt,” na ang ibig sabihin sa Netherlands ay “unity creates strength,” o “sa pagkakaisa makakamit ang pagiging malakas.” Ito ay pinasimulan ni Adriaan van  Ketwich nung 1744, samantalang nung 1822 naman, sinabi ni Haring William I na nagbukas na siya kaunaunahang pormal na uri ng mutual fund.

Sa ngayon, sinasabing ang mutual fund ay isang uri ng investment kung saan ang iba’t ibang uri ng tao o grupo ng tao ay naglalagay ng pera sa isang basket na siya namang hinahawakan ng isang propesyonal na fund manager. Ang fund manager na ito ay may investment din sa stocks, bonds at iba pang uri ng money market security. Nakasalalay ang mutual fund sa dami ng mga nagiinvest dito. Sa Pilipinas, sa halagang PhP5,000.00, maaari ka nang magbukas ng mutual fund.

May dalawang paraan upang kumita sa mutual funds. Ang isa ay sa pamamagitan ng mga dibidendong makukuha sa mga stocks o sa interes ng mga bonds. Ang isa pang paraan ay mula naman sa mga capital gains kung sakaling mas malaki ang Net Asset Value per share (NAVPS) kaysa purchase price kapag naibenta na ito.

Mga Benepisyo ng Mutual Funds

  1. Simple. Madali lamang ito dahil hahanap ka lamang ng provider at magfifillout ng mga forms na kinakailangan. Bukod dito, sa halagang PhP5,000.00 maaari ka ng makapag-invest. Kung kailangan mo naman ng pera, madali rin itong ilabas.
  2. Mainam na Investment. Kung ayaw mong maglagay ng pera sa isang savings account at nais mong malaki agad ang balik ng iyong ininvest, mainam na uri ng investment ang mutual funds. Ngunit mahalagang malaman na hindi rin agaran ang balik ng investment.
  3. Ang Iyong Fund Manager. Magtatrabaho ng kusa ang iyong pera para sa iyo. Bukod dito, propesyonal ang hahawak nito at magpapalago. Kung bago ka lamang sa pag-iinvest at nais mong makita ang halimbawa nito, magandang magsimula sa mutual funds.
  4. Malawak. Sa teorya, ang mutual fund ay parang isang basket na kumpleto at marami ang mga rekados. Ikaw rin ang magtatakda kung paano ito lulutuin ng iyong chef, ang fund manager. Ngunit katulad din sa pagluluto, kailangang maghintay para makuha ang nais na resulta.

Panganib ng Mutual Funds

  1. Laki ng Gastos. Dahil propesyonal ang hahawak ng iyong pera, kinakailangang magbayad ng komisyon—madalas ito ay 1-5% ng kita ng iyong investment. Dahil madali rin ang mutual fund at paiba-iba ang market trends nito, madalas na mahihirapan ang fund manager na humanap ng paglalaanan ng iyong pera.
  2. Buwis na Babayaran. Mayroon kang babayarang buwis, kalahati ng 1% ng capital gains ng perang ilalabas mo. Siguraduhin na kung ilalabas ito, lumago na ang pera ng 10% sa isang buong taon, upang hindi gaanong malaki ang maibabawas ng buwis, administration cost at implasyon.

Leave your comment