Bagay Na May Epekto Sa Housing Loan Interest Rate
Noong nakaraa, napag-usapan natin kung paano nasasabi ang home interest rate sa Pilipinas. May ilang mga bagay na nakakakapekto sa interest rate ng iyong home loan. Ilan dito ay mga bagay na wala sa iyong kontrol (halimbawa ang ekonomiya), at may ilan din na tahasan kang may kontrol (katulad ng iyong credit score).
Tignan nating mabuti ang ilan sa mga ito:
Prime Lending Rate (PLR)
Ang PLR ay isang rate kung saan binabase ng mga bangko ang kanilang desisyon kung magkano ang ipapataw na interest sa iba-iba nilang mga produkto.
Tinitignan ng rate na ito ang iba’t ibang factor tulad ng kung magkano ang ginagastos ng mga bangko sa operasyon nito, at kalimitan, magkapareho ang rate na ito sa mga malalaking bangko.
Sa Piliinas ang home loan ay karaniwang kinakalkula bilang porsyento sa itaas o ibaba ng PLR. Ibig sabihin nito, ang PLR ay tumataas o bumababa ng isang partikular ng halaga, ang interest rates na pinapataw sa floating rate home loans ay tumataas o bumababa din sa parehong halaga.
Ang Re-Pricing Period
Ang interest rate ay naapektuhan din ng haba ng panahon ng pagkumpleto sa bayad ng loan at ng re-pricing period. Ang re-pricing period ay ang panahon kung kailan ang interest rates ay hindi nagbabago. Matapos ang re-pricing period, ang interest rate ay magbabago depende sa pagbabago ng merkado at iba pang interest rate na babaguhin ng mga bangko sa Pilipinas. Halimbawa, ikaw ay mayroong 10 taong loan term para sa isang pa-bahay na may re-pricing period na isang taon, ang interest rate ay lagi nang magbabago taon-taon hanggang sa matapos ang loan. Mas malaki ang interest rate na kaakibat ng mas matagal na re-pricing period. Halimbawa, ang Allied Bank ay naniningil ng 8.50% para sa isang taong re-pricing at ang rate ay umaabot ng 9% sa loob ng dalawang taon. Sa loob ng labing-limang taon ang rate ay aabot ng 11.50%.
Your Personal Credit Profile / Credit Score
Ang iyong personal credit profile o credit score ay mahalaga dahil ito ay nagdidikta kung kwalipikado kang makakuha ng home loan o hindi, pati na rin kung magkano ang halaga ng interest na ibibigay sa ‘yo ng bangko.
Karaniwan, dalawang bagay ang tinitignan ng mga bangko: ang iyong “credit worthiness” at kung gaano ka taas ang iyong kinikita. Para ma-enjoy ang mas mababang home loan rates, kailangang mayroon kang magandang credit profile, at magandang income.
Ang Mga Termino Ng Iyong Home Loan
Ang interest rate ng iyong home loan ay naka-depende sa iba’t ibang termino ng iyong loan.
Home Loan Amount – Sa pangkalahatan, kapag mas malaki ang iyong hiniram, mas mas mababa ang interest rate sa iyong home loan.
Home Loan Insurance – May ilang bangko na nagbibigay ng diskwento kung kukuha ka ng mortgage insurance kasabay ng iyong loan. Itong mga insurance na ganito ay nakatutulong na mabayaran ang naiiwang halaga ng iyong loan, kung may ikaw ay mamatay o mabaldado. Sa mata ng bangko, mas hindi ka delikadong pahiramin ng pera kung gayon.
Lokasyon ng iyong Bahay
Ang interest rate ng iyong home loan ay naka-depende din kung saan nakapwesto ang iyong property. Ang kadahilanan dito, ay hindi lahat ng lokasyon ay kapareho ng panganib na idinudulot sa bangko.
Ang isang lugar na lumalago ay nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga property, at ito ay magiging mas mabuti para sa bangko. Habang tumataas ang presyo ng property, ang mga nanghihiram ng pera mula sa mga lokasyong ito ay lalong “yumayaman” at dahil dun, mas maliit ang posibilidad na hindi sila magbabayad.
Isa Ka Bang Profitable Customer?
Tulad ng madaming businesses, ang mga bangko ay naglalayong kumita. Kung marami kang produkto ng bangko (tulad ng current account, credit cards, car loans) mula sa isang bangko, mas malaki ang posibilidad na mabibigyan ka ng magandang offer sa iyong home loan (‘di tulad sa ibang bangko).
Kung interesado kang malaman kung aling bangko ay may pinakamagandang housing loan interest rate? Tignan ito!
Leave your comment