Mga Negosyong Patok Ngayong 2023

Mga Negosyong Patok Ngayong 2023

Sawa at pagod kana ba sa iyong 9-5 na trabaho? Gusto mo bang maging sarili mong boss? Huwag kanang mag hintay. Dahil sa malagong ekonomiya ng Pilipinas, maraming oportunidad ang naghihintay para sa mga may balak maging negosyante.  Para maging matagumpay, sapat na kaalaman tungkol sa tatahaking negosyo at paano ito tutugma sa kasalukuyang trends at sa iyong puhunan ay importante.

Sa article na ito, tatahakin natin ang mga negosyong papatok sa masa sa panahon ngayon ng naaayon sa kaya mong puhunan o kapital.

Puhunan sa negosyo: Below ₱20,000

Online freelance services

Dahil sa internet, maraming trabaho ang maaari mong gawin kahit ikaw ay nasa bahay lamang. Maraming oportunidad para magkapera gamit lamang ang computer at ang internet. Depende sa iyong expertise, pwede kang magsimula ng isang kumpanya online na nagbibigay ng freelance services sa mga clients overseas.

Maraming freelance services ang pwedeng gawin online, from part-time to full-time. Ilan sa mga karaniwang trabaho na in demand online ay related sa writing, graphic designing, web development, virtual assistant, at pagtuturo ng English. Ang advantage ng pagiging freelance service provider ay pwede kang mag trabaho kahit saan lugar basta mayroon ka lamang access sa internet.

Pre-operational requirements:

Ang tanging puhunan mo lang sa negosyong ito ay isang computer (laptop o desktop) at mabilis na internet connection. Para mai-showcase ang freelance services na iyong iooffer, hindi kinakailangang magkaroon ka ng isang website. Pwede mong iadvertise ang iyong services sa Facebook o LinkedIn. Sa pamamagitan nito, makakatipid ka sa iyong operational expenses.

Kung ang iyong skills or areas of expertise naman ang pag-uusapan, maraming mga website and nagbibigay ng mga iba’t-ibang tips and tricks para maging mahusay sa larangan ng creative writing, graphic designing, atbp.

Potential income

Sa pagiging freelancer, ikaw ay isang one-man army. Ikaw ang manager, CEO, at ikaw rin ang gagawa ng lahat ng trabaho. Ang kikitain mo ay depende sa klase ng trabaho na iyong tatanggapin at sa oras na iyong igugugol para sa trabaho.  Kadalasan, ang mga freelance jobs online ay nagpapasahod ayon sa oras. Ang starting rate ay ayon sa sumusunod:

 

Writing ₱1,000 to ₱2,000  for a 1,000 word article
Virtual assistance ₱150 to ₱300 per hour
ESL teacher ₱100 to ₱150 per hour


Opportunities

Para maging matagumpay sa pagiging freelancer, napakaimportante ang pagkakaroon ng isang matatag na network ng mga taong nasa parehong larangan. Kung ikaw ay nagsisimula pa lang at wala pang network, pwede kang sumali sa mga freelancer groups sa Facebook o dumalo sa mga conference na tumatalakay tungkol sa freelancing sa Pilipinas.  Ang isang network ay makakatulong sa pagpapalago ng client base sa negosyo ng freelancing.

Pag ang iyong freelancing na negosyo ay established na at marami nang clients, maari ka nang magoutsource ng trabaho sa iyong network o sa mga kakilala mong tumatanggap ng freelance work. Maari rin itong maging oportunidad para makapagpatayo ka ng sarili mong virual assistance company kung nais ng iyong client na mag expand sa kanilang business.

Load retailer

Ayon sa isang research, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming active cellphone users sa Asya. Isa rin tayo sa pinaka active sa social media, at majority ng mga Pinoy ay nakaprepaid sim. Kaya’t siguradong hindi ka magkakamali sa negosyo ng retailing.  

May sari-saring paraan upang masimulan ang negosyong ito:

1. Retailer simcard – mabibili ito sa mga telecom companies katulad ng Globe, Smart, o Sun Cellular.  at gumagamit ng magkakahiwalay na mga telepono para sa bawat isa, maliban kung gumagamit ka ng dual SIM phone.

2. All-in-one SIM Card

Mabibili ito sa mga mobile phone vendors.  Ang All-in-one SIM Card ay maari ring makapagload ng iba pang  pre-paid subscriptions other than mobile phone network, katulad ng cable, Internet card, at online game credits.

3. Coins.ph app

Madodownload ito sa GooglePlay at App store, depende sa iyong smartphone. Libre lang ang magregister dito, ngunit iveverify ng Coins.ph ang iyong identity at address bago mo magamit ang buong features ng app tulad ng reload service.
Para magkaload ang iyong reload wallet sa coins.ph, pumunta lamang sa 711, mag bank transfer lang ng funds from your bank account,o gamitin lamang ang iyong bitcoin wallet.

Pre-operational requirement:

Hindi kailangang malaki ang puhunan para makapagsimula ng load retail na negosyo. Sa halagang ₱500- ₱1000 na reload wallet balance, pwede ka nang magsimulang magbenta ng cellphone credits.

Sa lahat ng mga negosyo, ito ang pinakamababa ang puhunan.  Ang kailangan mo lang ay ang iyong cellphone at retailers (kapag hindi ka pa sanay gamitin ang app). Maglalabas ka lang ng puhunan na pera para sa eload wallet mo.

Saan mabibili ang retailer sim?

  • Makakabili ng individual na retailer sim sa retail stores o walk-in shops ng mga telco companies. For individual retailer sim, kakailanganin mo ng isang cellphone per retailer sim. Kung bibili ka ng retailer sim bawat telco, kakailanganin mo ng cellphone bawat isa sa kanila.
  • Makakabili ka rin ng All-in-one SIM Card galing sa isang third party seller at makakareload ka ng ng ibat ibang cellphone provider gamit lamang iyon. Tanging isang cellphone lamang ang iyong kakailanganin at kadalasan, ang All-in-one sim cards ay may iba pang reload services na hindi lang limited sa cellphone, kagaya ng prepaid cable subscription, game credits sa mga online games, atbp.  
  • Magdownload lang ng Coins.ph na app, iverify ang iyong identity by uploading your identification documents, at paloadan ang iyong peso wallet sa 7-11 o remittance centers na accredited ng app (ito ay naka lista sa app)/

Potential Income:

Bilang isang retailer ng e-load, ang iyong kita ay galing sa komisyon. Depende sa provider (telco), ang commission rate ay kadalasang mula 3% hanggang 13%. Ang nababawas sa iyong reload wallet ay mas mababa sa iyong nirereload sa customer, yung difference ay ang iyong komisyon.

Nilalarawan ng table sa ibaba ang commission structure ng load retailing

Customer’s reload amount Deduction on your load wallet Total profit
₱30 ₱27 ₱30 – ₱27 = ₱3

Ang negosyo na ito ay may potential income na ₱1,000 to ₱2,000 kada buwan  para sa load na mabebenteng nasa ₱10,000 to ₱20,000.

Opportunities

Tandaan, ang eload retailers ay ang “front liners” ng load distribution, sa taas nila ay ang sub-dealers, dealers, distributors, at higit sa lahat, ang telco. Para sa mga indibidwal na may malakilaking puhunan para makapagsimula, pwede syang magsimula bilang isang subdealer at makaka-earn ng mas malaking income sa pamamagitang ng pagrecruit ng mga eload retailers.

Kung nangangailangan ka ng agarang pera at sa tingin mo ay matatagalan kapag umutang ka sa mga tradisyonal na bangko, mayroon pa ring ibang paraan upang ikaw ay makakuha ng karampatang pondo. Puede kang mag apply ng cash loan online sa mga lehitimo at maasahang kumpanya na nagpapahiram ng pera. Busisiin at ikumpara ang iba’t ibang detalye ng utang kagaya ng interes, mga dokumentong kailangang ipasa, proseso ng pag-apply, at iba pang importanteng impormasyon para maaprubahan ang iyong aplikasyon.

 

WiFi Vendo/Piso WiFi

Halos lahat ng taong makikita mo sa paligid ngayon ay may hawak nang smartphone dahil di hamak na mas maraming nagagawa ang isang tao gamit ito kung ikukumpara sa ordinaryong cellphone. At dahil dyan, nagiging patok na negosyo ngayon ang WiFi Vendo o Piso Wifi.

Pre-operational requirement:

Dalawang bagay ang kinakailangan para magsimula sa negosyong Piso WiFi. Una ay mabilis na internet connection. Mas mainam kung naka fiber optic na ang iyong internet connection dahil di hamak na mas mabilis ito kung ikukumpara sa DSL at mas kaunti ang pagkakataong ito ay masira. Pangalawa ay ang mismong WiFi Vendo Machine. Mabibili ito sa mga online shops o kahit sa Facebook market sa halagang ₱7,000 – ₱15,000. Ang isang kit nito ay mayroong sariling router at interface na maaring makapag accommodate ng hanggang 200 users nang sabay-sabay ng walang anumang abala. Simple lamang ang pag operate ng vendo machine na ito. I-connect ang iyong cellphone o computer sa WiFi ng vendo machine at pumunta sa designated URL, pindutin ang “Insert Money” sa webpage at maghulog ng barya sa coin slot, pindutin ang “Done Paying” matapos mahulog ang barya para maka connect na sa WiFi.

Maari mong ilagay ang iyong WiFi Vendo machine sa mga lugar na madalas maraming tao tulad ng mga tindahan, palengke o kahit sa labas ng iyong bahay.

Potential Income:

Dahil marami ang umaasa sa internet ngayon at di hamak na mas murang alternatibo ang Piso WiFi sa prepaid load, ito ay isang patok na negosyo na tiyak mabilis ang return of investment. Pwede mo rin itong isipin na isang uri ng passive income dahil ang setup lamang ng vendo machine ang kailangan mong pag-isipan, ang mga customer na mismo ang lalapit sa iyo.

Maari kang magkaroon ng hanngang ₱800+ kada araw o humigit-kumulang ₱24,000 sa isang buwan. Kung ipaglalagay natin na ang iyong monthly internet connection plan ay ₱1700 kada buwan at ang konsumo ng kuryente ng Piso WiFi machine ay nasa ₱200 lamang, may net income kang ₱22,100 kada buwan.

Puhunan sa negosyo: Less than ₱100,000

Ukay-Ukay/Thrift shop

Ang pagiging matipid ay natural na katangian na ng maraming Pilipino. Pagdating sa pamimili ng mga damit at mga bagay na ginagamit natin araw-araw, marami pa rin sa atin ang gusto’y mas makamura. Ang pagiging fashionista ay hindi hadlang sa mga Pinoy sa pagtitipid, ito ang dahilan kung bakit ang Ukay-Ukay ay isang napakalaking industriya sa ating bansa.

Ang mga damit, bags, at accessories na makikita o mabibili sa ukay-ukay ay kadalasan mga second hand na. Ang iba naman ay imported galing sa ibang bansa at binebenta sa atin sa murang halaga. Subalit, kailangan pa rin nating tandaan bilang mamimili, na ang presyo ay depende rin sa kalidad ng produkto.

Pre-operational requirements:

Ang ukay-ukay ay maihahalintulad sa isang regular na brick and mortar na negosyo. Para maging legal, kailangan mong mag rehistro at kumuha ng business permit. Kailangnan mo rin humanap ng pwesto kung saan maraming mamimili.  Bukod sa renta ng iyong stall at pagpaparehistro, ang mga rack, hanger, istante at storage box ay importanteng mga gamit para sa pagtatayo ng negosyong ukay-ukay.

Dapat mo ring isaalang-alang ang comfort ng iyong mga mamimili. Kung ang iyong ukay-ukay ay closed space, mas magiging komportable kung mayroong airconditioning unit. Kung open-space naman, kinakailgangan mag install ng industrial fan para siguradong komportable ang iyong mamimili habang nagshoshoping.

Ang ukay-ukay ay nabibili ng bulto. Ang mga wholesalers ay kadalasan nakakabili ng hanggang 100 kilos ng iba’t-ibang klaseng damit. Kada bulto ay may around 150 to 1,000 ibat-ibang klase ng damit, pantalon, panloob, jacket, atbp. Kadalasan ay hindi ka na makakapili dahil sa dami ng damit na nasa isang bulto.

Ang presyo ng isang bundle ng ukay-ukay ay nagkakahalaga ng ₱4,000 to ₱15,000. Ang presyo ng bawat bundle ay depende sa dami ng damit at kalidad ng mga produkto.

Potential Income:

Ang mga produkto na kasama sa bulto na nabili mo ay nabebenta ng patingi-tingi. Ang halaga ng mga damit kapag binenta ng paisa-isa ay magiging mas malaki pa sa iyong puhunan. Mas malaki ang iyong kikitain kapag mas maraming bulto ang iyong bibilhin.

Ang isang ukay-ukay store ay nakakakita ng halagang ₱1,000 to ₱10,000 kada araw. Sa mga espesyal na mga buwan katulad ng Pasko, may potential itong kumita ng  ₱15,000 o mas mataas pa.

Opportunities

Ang kagandahan sa negosyong ito ay madali kang makakapagexpand kung iyong gugustuhin. Hindi mo na kinakailangan ng napakalaking puhunan. Maari ka nang mag establish agad ng isa pang ukay-ukayan sa ibang parte ng iyong bayan o lugar kapag nakuha mo na ang iyong ROI (return of investment). Dahil hindi naman gaanong kamahalan bumili ng bundle ng ukay-ukay at pwedeng idisplay ang iyong paninda sa mga tiangge o mga bazaar, mas madali mong mapapalago ang negosyo ng ukay-ukay.

Maliban sa pagkakaroon ng pwesto para ibenta ang iyong mga ukay-ukay, maari mo ring ibenta ang mga ito sa mga online shops tulad ng Facebook Market, Lazada, Shopee o TikTok. Kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga mag host ng live selling upang lalong mas lumawak ang iyong mga potential customers lalo na kung mga branded at high quality pa ang iyong mga binebenta.

Rice retailing

Ang bigas ay isang staple food ng Pilipinas, kaya’t malaki rin ang kita dito.

Pre-operational requirements:  

Maari kang mag simula ng negosyong ito sa halagang ₱80,000 to ₱120,000 na puhunan. Hindi pa kasali dyan ang gastos sa pagapply ng license sa National Food Authority (NFA) at iba’t ibang business permits na kinakailangan para mapatakbo ang negosyo.

Katulad ng ibang mga negosyo, ang isang strategic na location ay makakatulong sa mabilis na paglago ng negosyong ito. Subalit, hindi mo kinakailangan strategic ang iyong tindahan ng bigas para kumita dahil kahit saan ay ito ay in demand. Kung mayroon ka nang sari-sari store, hindi mo na kailangan pang mag hanap ng iba pang lokasyon para mag tayo ng bigasan.

Importante rin ang malinis at sanitized na storage ng bigas upang matiyak na ang mga insekto at grain weevils ay hindi makalusot sa iyong stockpile. Maaring makakuha ng mga tips mula sa iyong supplier ng bigas kung paano ito maiwasan.

Tandaan, ang bigas ay madaling mabulok at ang kalidad nito ay bababa pag hindi pa ito nakonsumo in three months. So ang challenge sa pagbebenta nito ay ang pagimplement ng first-in, first-out inventory para ma optimize ang shelf life ng bigas at mapanatili ang kalidad.

Potential Income:

Ang estimated total weekly income ay nasahalagang ₱5,000 to ₱20,000, depende sa iyong lokasyon at presyo.

Opportunities:

Katulad ng ibang negosyo, pwede kang magexpand ng iyong rice retail na negosyo pag nakamit mo na ang iyong ROI (return of investment). Pwede ka ring maging rice dealer at magbenta  ng bigas sa mga rice retailers.

Puhunan sa negosyo: Less than ₱500,000

1. Co-working spaces

Nasa panahon na tayo ngayong ng computers at internet, kaya naman maraming professionals ngayong ang  pumapasok sa mga negosyo ng freelancing dahil sa malaking kita and mababang risks nito. Dumarami ang mga freelancers ngayon, kaya’t dumarami rin ang pangagailangan ng working spaces kung saan sila makakatrabaho ng hindi nagbabayad ng buwanang renta. Dahil dito, naging uso ang co-working spaces.

Ang isang co-working space ay isang space sa isang open office na pinaparentahan sa mga freelancers. Ang renta ay kada araw o kada buwan, depende sa pangangailangan ng freelancer. Ito rin ang isa sa mga solusyon para mapunan ang pangangailangan ng mga SMEs at start-ups ng office space, na hindi kamahalan.

Pre-operational requirements:

Para makapagtayo ng isang co-working space, kakailanganin mo ng puhunan para makapag renta ng isang opisina o malakaing commercial space na malapit o within central business districts. Para makatipid, humanap ng space sa mga lumang gusali dahil ito ay mas mura.

Kapag nakahanap ka ng office space na rerentahan, ang susunod na priority mo ay ang high-speed internet, pagtayo ng workstations, at basic na office amenities. Ang stylish na interiors ay nakakaakit ng mamimili pero ito ay secondary lamang at hindi kinakailangan para mapatakbo ang iyong negosyo na co-working space.

Potential Income

Ang estimated monthly income ay na sa ₱50,000 to ₱100,000, depende sa iyong lokasyon, pricing, at kalidad at availability ng services na kaya mong iprovide sa iyong mga mamimili.

Opportunities

Maari ka ring mag offer ng iba’t ibang services sa iyong co-working space, katulad ng different types of membership. Para ma-maximize ang iyong space at lokasyon, maaari ka ring maglaan ng space para sa isang coffee shop na pwede mong gawing open for public. Pwede ka ring magpa renta ng mga spaces para sa mga food carts na tiyak na patok sa mga nagtatrabaho sa opisina.

2. Laundry shop

Sa panahon ngayon, ang isang laundry shop na negosyo ay nagiging in demand na.  Kaakit-akit ito sa mga studyante na nagdodorm at busy professionals. Ang paglago rin ng mga condominiums and apartments sa mga siyudad ay dahilan sa paglaki ng demand ng laundry shop.

Pre-operational requirements

Ito ay magdedepende sa laki ng laundry shop na gusto mong itayo at sa target market mo. Kung ang puhunan mo ay hindi gaanong kalakihan at gusto mo lang magbigay ng iyong serbisyo, ang minimum na puhunan  na kakailanganin mo ay at least ₱400,000 para sa isang simpleng set-up. Hindi pa kasama dito ang estimate ng babayaran mo para sa permit para ikaw ay makaoperate ng legal.

Para sa negosyong ito, importante ang lokasyon, kailangang nakaestablish ang iyong laundry shop malapit sa iyong target market: malapit sa dormitories, condominium, etc. Kapang ang renta sa lugar kung saan mo balak magnegosyo ay may kamahalan, pwede kang magset-up na lamang ng pick-up station at ang operation area mo ay sa ibang lugar o pwede rin sa bahay mo na lamang. Ang isang pick-up station ay dapat three to five square meters ang laki. Kapag gusto mo ng on-site na laundy area, at least 25 square meters dapat ang floor area ng iyong rerentahan.

Importante rin ang sistema ng iyong labada upang maiwasan ang magkahalo-halo ang labada ng iyong mamimili. Kinakailangan mo ring mag invest sa wastong equipment at kasangkapan para mapantaili ang kalidad ng iyong serbisyo. Mapapadali rin nito ang iyong trabaho, at mas maraming mamimili ang iyong pwede pagserbisyohan. Ang isang laundry machine na all-in-one na- wash, rinse and dry ay nagkakahalaga ng ₱30,000-₱40,000 depende sa brand at laki nito. Maari ka ring makakuha ng discount kung maraming machine ang iyong kukunin sa iyong supplier.

Mga karagdagang serbisyo ay depende sa iyong target market, kung mga estudyante ang iyong target, ang door-to-door pick up na serbisyo ay mas nababagay. Kung mga professionals naman ang iyong target, serbisyong tulad ng libreng parking space ay  magiging mas kaakit-akit.

Potential Income:

Ang average na kita ng isang medium sized na laundry shop ay nasa ₱30,000 to ₱100,000 kada buwan, depende sa lokasyon.

Opportunities

Para sa additional na kita, pwede mong lawakan ang iyong laundry service to dry cleaning, ironing, at iba’t ibang halintulad na serbisyo.

Iwasan ang paggamit ng iyong ipon para sa iyong negosyo. Ang pagsisimula ng negosyo ay isang risk, kapag gagamitin mo ang ipon mo para dito, walang kasiguraduhan na mababawi ito.

Maging wais, at sa halip mag-avail ng mga financial services na accessible sa iyo. Isang magandang halimbawa ay ang pag-apply ng personal loan para pangpuhunan sa iyong negosyo.

Napagisipan mo na ba kung anong negosyo ang gusto mong itayo? Halina’t tutulungan ka naming makalikom ng puhunan para sa iyong pangarap na negosyo.

Leave your comment