O Tukso, layuan mo ako!

Maaari mong makamit ang mga layuning pang-pinansyal sa pagpatol sa tukso.
Ang pag-iwas sa tukso ay isa sa mga pauli-ulit mong naririnig na payo sa kahit kaninong tao. Dadalhin ka lamang nito sa maling direksyon at maaaring makasama pa sa iyo sa hinaharap.
Nakaranas ka na bang pagkakataon kung saan iniiwasan mo ang lahat ng ‘get-together’ nyong magkakaklase noong high school? Siguro ang dahilan ay minsan masyadong magastos kung kayo ay magkikita-kita? O ang pagtigil sa pag-inom ng kape na natatanging koneksyon mo sa pagiging normal na tao mula sa pagiging “zombie” mo sa opisina, at ginagawa mo ang lahat ng ito para makatipid ng pera.
Aking kaibigan, maganda rin paminsan-minsan ang magpa-tukso pagdating sa iyong pag-iipon. Hindi ko sinasabi na lagi kang magpadala sa tukso ano! Ang mahirap kasi sa pag-iwas ng tuluyan sa ganito ay kapag bumigay nga tayo ay mas nakakalulong at mas mahirap itong iwasan. Ang sikreto dito ay moderasyon.
Ang Siyensya ng Pagpatol sa Temptasyon
Maraming eksperto na ang nagsabi na nakasasama sa atin ang pag-iwas sa mga bagay na ating gusto, kadalasan nararamdaman nating ang hindi pagiging tunay na masaya kapag lagi nating nililimitahan an gating sarili- sa madaling sabi, ang pagkain o pagkaron ng maliit na bagay na nagpapasaya sa iyo ay nakakatulong- maaring sa paraan ng pakikipagkita sa iyong mga kaibigan tuwing katapusan ng lingo, o maaari ring sa pagkuha ng iyong paboritong gawin tulad ng ‘photography’ o panonood ng sine. Sa katunayan nga, kapag pinigilan mo ang iyong sarili maaari kang magalit dahil masyado kang pokus sa pag-iipon. Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog tuwing gabi.
Sa tingin ko, karamihan sa inyo ay sasang-ayon sa akin kapag sinabi ko na mas magastos tayo kapag pinipigilan natin ang sarili natin gumastos. Ito ang sikolohiya na, ramdam natin na karapat-dapat nating matanggap ang mga bagay na ito dahil sa matagal na nating hindi ito ginagawa at habang tumatagal, mas malaki pa pala nagastos natin kesa sa naipon. Hindi ito ang tuwid na daan, sa totoo lamang.
Minsan ang pagpatol sa tukso ay makakatulong sa pag-abot ng iyong mga layuning pang-pinansyal dahil marami sa atin ang kailangan din ng pahinga dito, upang ma-enjoy an gating pinagpaguran. Kailangan lamang ay magtala ng mga layunin na makatotohanang abutin kada lingo o buwan.
Isang halimbawa ay ang pag-deposito ng P500 sa iyong savings account kada buwan, gamitin mo ang 20% para sa pagkain o kahit anong bagay na nagpapsaya sa iyo, ang mahalaga ay kapag nakaipon ka ng mas malaki ay mag-tala ka ng ‘rewards’ o gantimpala para maging ugali mo na ang pagtitipid at kalaunan ay mapagod ka ng gantimpalaan ang sarili. Subukan mo! Maganda rin na magsama ka ng kaibigan para naman matulungan nyo ang isa’t isa.
Ang pagbigay sa tukso ay hindi masamang gawain, hindi naman maaari na baguhin mo na kagad ang iyong mga nakasanayan, kailangan din natin ng ‘adjustment period’ katulad ng sa pagbabawas ng timbang o sa pag-iwas na sa paninigarilyo.
Leave your comment