Panatilihing Ligtas sa Magnanakaw ang iyong Credit Card
Ngayon na natapos mo nang kumpletuhin ang mga kinakailangang pamantayan para mabigyan ng credit card. O maaari namang isa ka sa mga masusuwerteng nakatanggap ng supplementary card mula sa isang espesyal na taong nagtitiwala sa’yo.
Ang unang pumapasok sa isip mo ay, “anong bibilhin gamit ito?” tama di ba?
Buweno, ang dapat mo talagang unang isipin ay, “paano ito pananatilihing ligtas ito sa mga magnanakaw?”
Ang mga pandaraya at pagnanakaw ay mga bagay na hindi mo gustong agad na isipin matapos makakuha ng maliit na plastic license para gumastos, subalit araw-araw, ang mga kaso ng maling paggamit ng credit card ay naitatala at maaring mangyari din sa’yo maliban na lamang kung proprotektahan mo ang iyong sarili.
Mga Panimula Sa Credit Card
- Agad na pirmahan ang iyong credit card matapos itong matanggap, gumamit ng ballpoint pen, hangga’t maari ay itim na kulay at ang pirmang gagamitin mo ay kumportable sa’yo upang madali mong maipirma kahit saan ngunit, dapat ay mahirap din itong gayahin.
- Ingatan ang iyong PIN. Ang bangko ay kadalasang inilalathala ang iyong PIN sa isang sulat na nakahiwalay na ipinadala sa’yo. Tandaan ito at basahin kung papaano ito mapapalitan, tapos ay punitin ang sulat. Huwag itong itatago kasama ng iyong card.
- Huwag mong ipapahiram ang iyong card kahit kanino, huwag ipaskil ang mga larawan nito sa publiko o sa online.
- Itago ang numero ng credit card helpline sa iyong telepono para agad na maipagbigay alam ang pagkawala o pagkanakaw ng mga card.
Pag-iwas Sa Magnanakaw Sa Credit Card
- Suriin ang lahat ng mga dokumento ng transaksyon bago pirmahan ang mga ito.
- Bantayan ang mga tauhan na may hawak ng iyong card.
- Punitin ang mga resibo at mga dokumento ng credit card na may nakasulat na numero ng iyong credit card.
- Mag-ingat sa mga kahinahinalang makina o sa kahit anung bagay na paggagamitan mo ng iyong credit card. Kung ikaw ay nagdududa, wag mong ituloy ang paggamit. Eto ang pinaka popular na sistema ng mga magnanakaw.
Pag-iwas Sa Online Na Pandaraya Ng Credit Card
- Huwag ilalagay ang detalye ng iyong credit card sa mga pampublikong computer.
- Ilagay lamang ang mga detalye ng credit card sa mga protektadong computer (may nakalagay na bagong update na antivirus).
- Siguraduhing ang website ay isang protektadong site at ang browser na ginagamit mo ay protektado (suriin ang kanang bahagi sa bandang ilalim ng iyong browser para sa detalye ng website security at i-click sa browser settings para masuri ang browser security settings).
Mga Credit Card Na Wala Nang Bisa
- Kapag ang iyong credit card ay nawalan na ng bisa o napagdesisyunan mong ikansela ang iyong kard, kumuha ng malaking gunting at gupitin ang iyong kard ng mahigit sa dalawang piraso. Matapos ito ay itapon maingat na itapon ang mga piraso.
Ngayon na alam mo na kung paano panatilihing ligtas ang iyong credit card, siguraduhing nasa magandang antas ang iyong credit score gamit itong anim na pamamaraan.
Leave your comment