4 na Paraan Para Pumili ng Credit Card sa Pilipinas

one credit card pilipinasLumipas na ang mga panahon nung nag-iipon ka ng mga credit card para pakapalin ang iyong pitaka. Nakasanayan mo nang magpatala para sa iba’t-ibang mga card upang gamitin sa iba’t-ibang layunin; pang-gasolina, pambili ng mga tiket sa sinehan, pambili ng kape, atbp.

Ayon sa pag-aaral, 80% ng mga Pilipino sa edad na 18 hanggang 28 taong gulang ay gumagamit ng sandamakmak na credit card bawat isa. Lingid sa ating kaalaman, mas madaling gumamit ng isa o dalawang card dahil mas makokontrol natin an gating mga utang.Kung gayon, paano mo mapipili ang pinakamagandang credit card? Aling credit card ang angkop sa iyong pangangailangan?

Kahit na ito ay galing sa isang naturang bangko, sa Visa, sa Mastercard, o sa American Express, ang mga cards ay unti-unti nang nagkakaparehas, nakakapagpahirap ito sa pagpili ng NAG-IISANG PINAKAMAGANDA.

Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang.

Madaling bayaran: Kaalwanan ang naghahari

Kumuha ng card na madaling bayaran. Pwedeng sa pamamagitan ng ATM malapit sa iyong opisina o bahay, sa online bank o app sa telepono, dapat ay kaya mong bayaran ang iyong bayarin sa utang ng madali. Hindi mo magugustuhan ang gulo sa mga pagpapadala ng pera, parking fees, atbp. para lang mabayaran ang iyong bayarin kada buwan.

Mga pakulo at benepisyo ng credit card: Si Hello Kitty sa iyong bulsa

Maaring ito ay mga pribelehiyo sa paliparan, mga buy-one-take-one na kape, mga tiket sa sinehan o pakulo, malaki ang posibilidad na may card para bayaran ito. Isiping maigi, kung hindi ka pwedeng magkaroon ng Swiss army na credit card, anu-anong mga pribelehiyo ang a) pinakamakakatipid ka ng pera at b) pinakamadalas magagamit. Matapos ito, isaalang-alang kung ang card ay hahayaan kang gawing personalize ito gamit ang larawan ng paborito mong grupo sa putbol o si Hello Kitty.

Mga hangganan sa Credit Card, singilin, at bayarin: Paglalagay ng bayarin sa fine print

Ngayon ay oras na para tingnan ang mga numero. Sa ayaw mo at gusto, dito ang lugar kung saan ang lahat ay literal na binibilang. Ikumpara ang mga cards base sa kanilang mga mga hangganan ng utang. (kabuuang halaga ng utang na pwede mong makuha), bayarin (interes, o mga annual fees ng natirang halaga sa iyong utang), mga late charges (mga multa sa mga nahuling pagbayad ng mga minimum charges), at mga bayarin para sa credit card statements, paglagpas sa hangganan ng utang o mga annual fees.

Importante din ang mga minimum payment % at  mga grace period (panahon ng bayaran bago magpatong ng mga dagdag na singiling).

Kung lagi mong nababayaran ang mga singilin sa tamang oras, hindi mo kailangang mabahala  sa mga bayaring ito. Kung ikaw ay hirap sa pagbayad, bawat sentimo ay maaaring magpahirap sa’yo.

Bantayan ang mga magagandang halagahan na angkop lamang sa simula. Mahirap tanggihan sa simula, kaya’t sikapin na wag magpadala sa mga halagahan na madaling magpakita ng kanilang tunay na kulay matapos ang panahon ng pagpapakilala.

Mga rewards, cashback, at points

Kasing konkreto ng mga pakulo at benepisyong natalakay na ay ang mga rewards, cashback programs (pagsasauli ng kada pisong nagastos sa mga bagay gaya ng gasoline, tingi-tinging tindahan, atbp.), at mga points (mga points sa kada pisong nagastos na pwedeng ipalit sa mga bagay sa point catalog mula sa iyong banko). Basahin din ang fine print dahil ang iba sa mga ito ay angkop lamang kung magawa ang ilang kondisyon gaya ng minimum credit card spending kada buwan.

Di na makapaghintay na magsimula? Hanapin kung anu-ano ang mga pinakamagagandang credit card sa Pilipinas ngayon!

Leave your comment