Pag-iwas Sa Credit Card Fraud

credit card security over fraudBagamat kadalasan sa mga pandarayang nagaganap sa credit card na mga kaso ay nangyayari dahil sa pagnanakaw at pagkawala ng mga pitaka, malaking bahagi ng mga kaganapang ito ay nangyayari online, sapagkat marami sa mga tao ngayon ay nagsisimula nang mag-online shopping gamit ang kani-kanilang mga credit cards. Ang mga manloloko – na tinatawag ring “scammers” o spyware villains – ay kumukuha ng ating mga personal na impormasyon sa pamamagitan ng malware (malicious software).

Isa sa mga halimbawa ng malware ay ang tinatawag na spyware. Ang spyware ay tahimik na tumatakbo sa likod, at bilang tagagamit ng computer ay hindi mo mamamalayan ang kaibhan habang ikaw ay patuloy na gumagamit nito gaya ng iyong nakagawian. Ang malaking panganib na dinudulot ng spyware ay ang patago nitong pag-iipon ng mga maseselan mong impornasyon. Binabantayan din nito ang iyong mga regular na gawain online kasama na ang mga computer programs at mga websites na iyong ginagamit.

Kung nakaipon na ng sapat na impormasyon, ipapadala ng spyware ang mga mahahalagang impormasyon na ito sa mga espiya. Maari nila itong ibenta sa iba pang grupo ng masasamang tao o di kaya ay gamitin ang mga ito para sa kanilang pansariling pakinabang (at para sa iyong kapinsalaan). Halos lahat ng mga biktima ay hindi nagkakamalay na sila pala ay naloko na hanggang sa maging huli na ang lahat. Kung ang panloloko ay may kinalaman sa isang credit card, posibleng kailangan pa itong pagbayaran ng biktima mismo.

Para maiwasan ang ganitong uri ng online credit card fraud o panloloko na mangyari sa iyo, sundin lamang ang mga sumusunod na mga alituntunin:

  1. Gumamit ng iba’t-iba at komplikadong mga password para sa iyong mga accounts sa internet.
  2. Huwag iimbak ang mga detalye ng iyong credit card (halimbawa, ang numero ng iyong credit card at ang expiry date nito) sa iyong computer, o kahit saan-man sa internet.
  3. Gumamit ng mga pinagkakatiwalaang libreng serbisyo gaya ng LastPass at KeePass sa pag-imbak ng iyong mga password.
  4. Magbigay lamang ng iyong mga personal na impormasyon sa mga pinagkakatiwalaang mga websites na may “https” sa address bar (sa halip ng “http” lang), o kaya ay doon sa may mga hugis-kandadong icon sa ibaba ng browser.
  5. Sanayin ang sarili sa magandang kaugalian sa paggamit ng email. Burahin ang mga email na humihingi ng mga credit card at personal na impormasyon, o yong mga nag-aatas sa iyo na bumisita sa isang website na magre-reactivate ng iyong credit card. Ang mga emails na ito ay kalimitang nagkukunwari lamang na nanggagaling sa mga representante ng mga bangko.
  6. Maging maingat sa mga link na iyong kini-click sa mga kahina-hinalang mga email sapagkat ito ay maaaring magdala sa iyo sa mga “Phishing” websites. Ang isang “phishing” website ay isang gateway para makakuha ng mga numero ng credit card. Kung hindi ka sigurado, burahin agad ang mga kahina-hinalang mga email at huwag buksan ang mga attachment na kasama nito.
  7. Mag-sign-in lamang sa mga kagalang-galang na mga website na may mga matibay na online payment forms. Mas mainam na bumili lamang sa mga kilalang mga online na retailer.
  8. Paandarin ang anti-virus, anti-spyware software at firewall sa iyong computer. Itakda ang mga software na ito na awtomatikong umandar sa likuran araw-araw.
  9. Huwag magbigay ng anumang impormasyon ng iyong credit card tuwing magsa-sign-up ng libreng trial o serbisyo online.
  10. Iwasan ang mga kahina-hinalang mga website. Kung mukha itong kaduda-duda, malamang ito ay sapagkat dapat nga itong pagdudahan.
  11. Magdownload lamang ng mga files at mga dokumento galing sa mga website na iyong pinagkakatiwalaan o kilala ng nakararami.

Meron ka bang ibang mga tip para makaiwas sa credit fraud online? Pakilista lamang ang mga ito sa comments sa bandang ibaba!

O di kaya ay magbasa ukol sa mga paraan para gawing ligtas ang iyong credit card.

Leave your comment