Paggawa ng Travel Insurance Claim
Mahalaga para sa taong kukuha ng travel insurance kung paano gagamitin ito sa oras ng pangangailangan at pagkuha ng claim. Nandito ang paraan ng paggawa at paliwanag kung paano makukuha ang insurance claim.
Ano ang Gagawin sa Panahon ng Aksidente
Kung ang pangyayari ay kinakailangan ng medikal na atensiyon, tawagan ang lokal na ospital at humingi ng tulong. Ang pang-sariling kaligtasan ang una sa lahat.
Sunod, kausapin ang mga awtoridad (halimbawa ay pulis, kung kaso ng pagnanakaw,) at ipaliwanag ang nangyari. Subukan ding tawagan ang insurance company sa ganitong pagkakataon. Kadalasan, ang insurance company ay magbibigay ng tulong sa mga proseso upang maagapan ang aksidente.
Mga Maaaring Kailanganin sa Travel Insurance Claim
Katulad ng ibang insurance claim, kailangan mong ipakita ang lahat ng importanteng dokumentong maaaring kailanganin. Kasama na dito ang pagbibigay ng mga personal na dokumento at travel documents. Ang iba’t-ibang insurance company ay may magkaka-ibang dokumento na kailangan para sa pag-aapruba ng claim. Ganunpaman, narito ang listahan ng mga dokumentong kalimitan ng hinihingi ng insurance company para sa pag-apruba ng iyong claim:
- ID o pagkakakilanlan (halimbawa ay Passport, driver’s license etc)
- Travel claim form – maaari itong ma-download sa travel insurance company’s website. Siguraduhing masagutan ito ng tama at totoo.
- Travel itinerary
- Flight tickets and boarding passes
- Baggage information – kung sakaling masira / mawala, maghanda ng listahan ng mga dalang gamit kasama ng kanilang halaga. Samahan na rin ng picture ng mga ito bilang ebidensya.
- Medical documents (e.g. medical report, death certificate etc) – Para sa mga claim na may kinalaman sa medikal o pagkamatay.
- Police report – sa kaso ng pagnanakaw
- Mga resibo, at listahan ng gastos (e.g. medical invoices, hotel receipts)
- Airline notifications – Mga dokumento na ibinigay ng Airline na nagsasaad ng pag-kansela o delay ng biyahe.
Leave your comment