Pagpili ng Time Deposit sa Pilipinas

Pagpili ng Time deposit

Pagpili at Pag-invest sa Pinakamagandang Time Deposit sa Pilipinas

Dahil sa kaligtasan at siguradong kita, Ang pagpili ng Time deposit ang kadalasang investment ng mga Pilipino. Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga bangko ay nag-aalok ng mga Time deposit account.  Ang ilan pa sa mga bangko ay nag-aalok ng multiple Time deposit bilang pagpipilian, na nangangahulugan na nakakalito ang pagpili kung ano ang pinakamagandang Time deposit account.

Kung nagpaplano kang kumuha ng Time deposit, ang mga sumusunod ay ilang mga tip at mga bagay na dapat isaalang-alang:

Pagpili ng Tamang Termino ng Investment

Ang dalawang pangunahing uri ng termino ng Time deposit ay ang short-term at ang long-term:

Short-term: ang tipikal na kahulugan ng short-term deposit ay investment na ang termino ay mas maiksi sa isang taon, at maaaring magsimula sa isang buwan.

Ang shor-term Time deposit ay naangkop para sa mga may mithiing mabilis, o yung mas gusto na may kalayaan kesa sa nakatago ang kanilang pera sa loob ng mahabang panahon.  Karaniwang ng mga termino ng short-term deposit ay 1 buwan, 3 buwan, 6 na buwan at 9 na buwan.

Long-term: Anumang lumalagpas sa 12 na buwan ay kalimitang long-term, at sa Pilipinas, ang termino ng Time deposit ay maaaring umabot ng 5 taon.

Kung hindi mo kakailanganin ang iyong pera sa madaling panahon at gusto mo na kumita sa mas mataas na interest rate, ang long-term deposit ay mas makabubuti para sa iyo.

Kapag isinisaalang-alang mo ang termino ng iyong Time deposit, dapat tandaan na magkakaiba ang pinakamababang deposito na hinihingi ang mga bangko depende sa termino na iyong pinili.  Gayundin, ang Time deposit ay kalimitang nakahanay, kung saan kapag mas malaki ang pera na iyong ininvest at kapag pinili mo ang mas mahabang termino, mas malamang na malaki rin ang interes rate.

Mga Bayarin sa Time Deposit

Sa Pilipinas, ang mga bangko ay kalimitang naningil ng service fee at transaction fee para sa mga Time deposit account.  Mas maigi rin kung itanong muna sa bangko bago ka pumirma ng kontrata.

Maaari ka ring magbayad ng multa kung napagdesisyunan mong tapusin ang iyong kasunduan sa bangko ng mas maaga kesa sa napagkasunduan.

Pagkalkula ng Multa sa Time Deposit

Magkakaiba ang pagkalkula ng mga bangko sa mga multa.  Ang ilan ay nagbabawas ng ilang porsyento sa iyong interest rate-halimbawa, kung 4% ang ipinangako sa iyo sa 6 buwang Time deposit at 2% ang rate ng multa, ang iyong matatanggap ay 2% lamang na interes kapag pinili mong kuhanin ang iyong pera sa loob ng 6 na buwan.

 

Ang ilang mga bangko ay naniningil din ng “break funding cost”.  Ito ay multa na sinisingil ng bangko kapag hindi mo sinunod ang kasunduan.  Ang bayaring ito ay nakadepende sa paraan ng pagkalkula ng bangko.

Ang multa sa hindi pagsunod sa termino ng iyong kasunduan ay napaka-importante, kaya mas maigi na handa kang itago ang iyong pera sa loob ng panahong napagkasunduan bago ka pumirma ng kontrata.  Kapag hindi ka pa handa, mas makakabuting piliin ang short-term.

 

Interest Rate ng Time Deposit

Kapag nag-invest ka sa Time deposit, ang interest rate ang pinaka- importante.  Sa terminong binibigay, kapag mataas ang interest rate na alok, mas maganda.

Ang mga bangko kung minsan ay mga espesyal/pang-promo na rate na maaaring short-term na may kalakip na kondisyon.  Halimbawa, ang ilang mga bangko ay maaaring mag-alok ng mataas na interest rate sa kondisyong kukuha ka rin ng ibang mga produkto na alok ng bangko, o kapag malaki ang halaga ng deposito mo sa bangko.

 

Kung magkukumpara ng Time deposit interest rates ng mga bangko, siguraduhing maghanap ng non-standard na mga kundisyon.

Leave your comment