Tamang Pagpili Personal Accident Policy

shutterstock_31212103Iba ang mga terms o kondisyon ng  personal accident insurance kung ikukumpara sa ibang klase ng insurance policies. Kung ang life insurance ay makatutugon sa pagkakasakit o pagkamatay dulot ng natural na pangyayari, ang mga dahilang ito ay hindi kabilang sa sinasagot ng personal accident insurance. Ang karamihan sa mga personal accident insurance policies ay hindi rin sumasaklaw sa mga taong ignorante o mga taong boluntaryong nilalapit ang sarili nila sa panganib. Mas mataas din ang halaga ng coverage ng personal accident insurance kaysa sa ibang policies, dahil mas mahigpit ang mga kondisyon na nakapaloob dito.

Ilang mga konsiderasyon bago pumili ng personal accident policy 

Ang pagpili ng tamang personal accident plan ay mahalaga lalo na kung meron kang natatanging mga panganailangan. Dahil diyan, nararapat lamang na pag-aralan mo ang iba’t ibang salik nito at ikumpara ang mga iba’t ibang klase ng personal accident plans. Ang mga sumusunod ay ilang mga bagay na dapat mong pag-isipan:

  • Coverage. Ano ang sapat na coverage (o halaga ng perang matatanggap sa panahon ng aksidente) para sa iyo at iyong pamilya? Kailangan mong maintindihan ang sakop ng coverage, at ang iba’t ibang klase ng coverage na kabilang sa plan. Halimbawa, maaring gusto mong may kasamang hospitalization at medical expenses coverage ang iyong plano. Baka gusto mo rin na may kasamang compensation ang plan para sa panandalian o permanenteng kapansanan na dulot ng aksidente. May ilang policies na sagot  ang mga gastusing medikal habang ikaw ay nasa ospital, at meron din naman na  binabayaran pati ang mga kailangang bayaran pagkatapos ng aksidente.
  • Exclusions. Ang mga nakasaad sa Exclusion Clause ang mga kundisyon at bagay-bagay na hindi kasali o hindi sakop ng iyong personal accident plan. Mahalaga ang mga bagay na tinatalakay sa bahaging ito ng plan, at hindi pwedeng pahapyaw lang ang pagbasa nito. Ang kabiguang maintindihan ang mga ito ay nagreresulta sa mga claims o paghahabol na pinagtatalunan o hindi tinatanggap. Ang iba’t ibang insurance companies ay may sari-sariling mga exclusions. Pangkaraniwan, nililista sa exclusions ang mga sitwasyon na hindi sakop ng iyong policy. Halimbawa, hindi sakop ng karamihan sa mga personal accident insurance plans ang mga bagay tulad ng pagkakasakit, mga pinsala na ikaw mismo ang gumawa sa iyong sarili, mga delikadong sports, at mga gawaing ilegal. Kung naiintindhihan mo ang mga limitasyon ng bawat plan, magiging madali sa ‘yo na mag-desisyon.
  • Benefits. Upang makahanap ng tamang personal accident plan para sa ‘yo, kailangang malaman mo ang halaga ng compensation na ibabayad sa ‘yo ng insurance company. Tandaan na ang bawat klase ng injury ay mga sariling compensation. Ang benefits ng plano ay magkakaiba at depende sa insurance company. May ilang kumpanya na nagbibigay ng 100% ng “sum insured” para sa mga partikular na injury, samantalang ang ilan ay nagbibigay lang ng 50%. Ang “sum insured” ay ang maximum na halaga na ibabayad ng insurance company kung ikaw ay naaksidente.
  • Beneficiaries. Sa pagkakataong ikaw ay pumanaw, ang taong iyong isinaad bilang beneficiary ang makakatanggap ng bayad mula sa iyong insurance. Ang ipinapayo ay dapat tukuyin mo ang iyong beneficiary, at siguraduhing mong alam ito ng taong napili mo. Para dito, kailangan mong isulat ang pangalan ng beneficiary sa iyong nomination form. Kung walang nakasaad na beneficiary, mas mahabang proseso ang hihintayin bago mabigay ng insurance company ang compensation. Kailangan pa kasing kumuha ng “grant of probate” o “letters of administration” mula sa korte para maasikaso ang perang dapat makukuha mula sa iyong insurance

Ilan lang ang mga ito sa mahahalagang bagay na kailangan mong pag-isipan bago kumuha ng personal accident insurance. Kung gusto mong matuto pa tungkol dito, tignan ang aming mga articles tungkol sa personal accident insurance.

Leave your comment