Pagsisimula Ng Car Loan Sa Pilipinas
Ang pagbili ng sasakyan in cash ay hindi praktikal para sa karamihan. Kaya kung ikaw ay katulad ng iba, ang pagkuha ng car loans ay ang pinaka-madaling paraan upang makuha ang pinapangarap na sasakyan. Ang iba ay maaaring mayroon din namang sapat na pera pambili in cash ngunit mas pinipiling pa rin ang car loan.
Maraming bangko at kumpanya ang nag-aalok ng iba’t-ibang uri ng car loans na nagkaka-iba lamang sa singil at interest. Lahat ay usaping pang-pinansiyal at mahabang panahon ng proseso, ngunit ang totoo, ang pagkuha ng car loan at napaka-simple.
Wala ng paligoy-ligoy pa, narito ang mga bagay na kakailanganin sa pagkuha mo ng car loan.
Estadong Pang-pinansiyal
Ang unang nais malaman ng bangko ay ang kakayahan mong magbayad. Nangangahulugan ito na nais lang ng bangkong manigurado na mababayaran ang iyong pagkakautang buwan-buwan sa darating na panahon.Upang magawa ito, ang bangko ay pag-aaralan ang iyong credit history at kasalukuyang kinikita. Kung mayroon kang bad credit history, ang car loan ay maaring hindi aprubahan o maari rin silang magbigay ng mas malaking interest rate.
Ihanda and Deposito
Itanong sa bangko ang halaga ng deposito na kailangang bayaran. Kahit na kalimitan ay 10% ito ng halaga ng sasakyan, ang bangko ay maaring humingi ng mas malaking porsyento. Ang deposito ay kailangan bilang tanda ng iyong pananagutan. Kapag nakapagbayad ka ng mas malaki, mas mababawasan ang dapat bayarang buwanang hulog na makakatulong paglipas ng taon (dahil mas maliit ang nagiging interest).
Kailangang dokumento sa Car Loan
Sa pag-aapruba ng car loan, ikaw ay bibigyan ng listahan ng mga dokumentong kailangan para sa aplikasyon. Ang ilan sa mga ito ay ang kopya ng ID o pagkakakilanlan, payment slips at driver’s license.
Pagpili ng Car loan
Maraming bangko at kumpanya ang nag-aalok ng car loans sa Pilipinas. Dahil ang interest rates ng ngpapautang ay magkakaiba ; dapat lang na magbigay panahon sa pananaliksik at pagkukumpara ng car loan interest rates ng bawat isang bangko. Ang maliit na halaga sa interest ay maaaring maging malaking pera paglipas ng maraming taon!
Leave your comment