Payday Loan sa Pilipinas
Ang Payday loan ay tinatawag din na Payday Advance o Cash Advance kung saan ang unsecured loans ay may mas maikli na panahon para bayaran. Kadalasan ang pagbabayad ng buo nito ay sa susunod na sweldo ng nag-apply. Karaniwan na tinitingnan muna ng nagpapautang kung ang uutang sa kanila ay may trabaho bago magpautang.
Paano Gumagana ang Payday Loan?
May mga requirements upang mapatunayan ang status ng trabaho ng nag-aapply na customer. Depended ito sa bawat nagpapautang. May mga lenders na nirerequire ang bank statement o pay stubs. Ang iba hindi na nagveverify kaya mas tumataas ang interest rate. Kailangan mo magbigay ng postdated check para macover ang buong amount ng uutangin kasama ang pinag-usapang interest.
Sa araw ng sweldo, kailangan na bayaran mo ang inutang sa lender. Kapag hindi, pwede gamitin ng lender ang postdated check na ibinigay mo para mabayaran ang utang. May mga websites din na may online application. Ang pinagkaiba ay ang proseso ng pag-aapply at ang pagtatransfer ng pera sa’yo. Idedeposit mismo ng lender ang pera na inutang mo sa bank account.
Bakit Kailangan ng Payday Loans?
May mga oras na bigla mo kailangan ng pera kapag may emergency. Kung wala kang kapamilya o kaibigan na pwede magpautang ng pera, ang payday loans ay pwedeng gamitin para sa ganitong sitwasyon. May mga tao na ginagawa ito para sa mga pang araw-araw na gastusin ngunit ito ay mali dahil mataas ang interest rate.
Mga Risk ng Payday Loans
Kapag ikaw ay kukuha ng home loan, dapat mo i-consider ang mataas na interest rate. Posible na akala mo kaya mo ang mataas na interest sa maikling panahon dahil parang hindi naman ganoon kataas. Kaso may mga tao na hindi nakakabayad ng utang. Mas magandang alternatibo ang personal loan.
Ibang Alternatibo sa Payday Loans
May mga ibang alternatibo sa Payday Loans. Kung may sasakyan ka, pwede mo gamitin ito para kumuha ng personal loan na mas mababa ang interest rate. Ang home loan din ay may mas mababang interest rate kumpara sa payday loans. Ang installment period ay mas mahaba kaya mas kaonti ang tsansa na hindi mo ito mabayaran. Pwede mo rin gamitin ang iyong credit card. Sa ngayon wala kaming inooffer na payday loans dahil sa mataas na interest rate.
Leave your comment