Personal Accident Insurance: Pangangailangan nga ba?

shutterstock_124900664Ano ang Personal Accident Insurance?

Ang personal accident insurance ay isang importanteng aspeto ng ating mga buhay na kadalasang hindi napapansin. Karaniwan, ito ay uri ng annual policy na nagbibigay ng masusing proteksyon para sa mga aksidente sa hinaharap.

Dahil sa maaaring maganap ang mga aksidente kahit saan at kahit kalian, ang patakarang gaya nito ay nagbibigay sa’yo ng kasiguruhan na protektado ikaw at ang iyong pamilya sa lahat ng oras. Subalit, tandaan na ang bawat personal accident insurance ay nagkakaiba sa uri ng aksidenteng kanilang nasasaklaw. Kadalasan, marami satin ay masyadong pinalalawig ang sakop ng mga insurance at mga alituntunin nito. Halimbawa, ang patakaran ay hindi isinasali ang mga kaso ng pagpapakamatay, pagkamatay sa panganganak, at iba pang uri ng aksidente. Isa pa, ang halaga na saklaw ay dumedepende sa patakaran ng iyong binayaran.

Gaano kaimportante ang Personal Accident Insurance?

Ang unang bagay na pumapasok sa ating utak ay ang pangangailangan ng personal accident insurance. Maaaring nakwenta mo na agad sa isip ang mga aksidente mo noon. Sa totoo lang, may ilan sa atin na kailangan ito at mayroon ding masusuwerteng hindi ito kailangan. Subalit, paano mo malalaman? Ang mga aksidente ay hindi nagsasabi kung kalian sila magaganap, nangyayari lang sila bigla.

Kaya’t narito ang pangunahing batas: Maaaring kailanganin mo ito: Narito kung bakit:

Ang mga Aksidente ay Hindi Mahuhulaan

Wala tayong pare-parehong buhay. Araw-araw ay pumapasok tayo sa trabaho at humaharap sa iba’t-ibang sitwasyon. Ang mga statistika sa mga aksidente sa lansangan ay hindi kaaya-aya sa mga nagdaang taon at minsa’y hindi sapat ang pagiging maingat lang. Ang mga aksidente sa kalye ay isang sa mga ito pero marami pang aksidente na pwedeng mangyari kahit sa bahay mo. Walang ligtas na lugar at hindi din pwedeng mabuhay tayo sa takot. Ang pagkakaroon ng personal accident policy ay nagbibigay sa’yo ng kakuntentuhan sa pagkontrol ng mga bagay na hindi mo kayang kontrolin.

Ang iyong insurance sa trabaho ay hindi sapat

Minsan, ang mga trabaho ay maaaring peligroso at ang insurance bilang trabahante ay kulang. Ito ay dahil ang ganitong uri ng insurance ay kadalasang tinatago sa mga empleyado ang patakaran at halaga ng saklaw at kadalasa’y limitado. Kaya naman, ang pagkuha ng personal accident policy ay binibigyan ka ng kalayaang pumili ng plano at uri ng saklaw na totoong kailangan mo.

Ang iyong ipon ay hindi sapat sa isang hindi inaasahang pangyayari

Hindi lingid sa atin na marami ang wala o may maliit na ipon lamang. Tayo ay may mga hindi prediktableng pamumuhay ay marami sa atin ang sumasabay lamang sa alon ng buhay. Paano mo haharapin kung ang iyong araw-araw na pamumuhay ay guluhin ng kamalasan? Kakayanin mo bang bayaran ang mga gastusin sa ospital na maaaring umabot sa libong piso o higit pa? Mahirap magtamo ng sugat sa mukha at mas mahirap mag-isip ng paraan para mabayaran ang ospital at mga simpleng gastusin kalakip ng iyong sugat. Higit pa diyan, paano ang iyong pinakamamahal na pamilya sa kaso ng aksidenteng pagkamatay mo? Ang personal accident insurance ay tutulungan kang tulungan ang iyong pamilya sa mga problemang pinansyal na maaari nilang harapin.

Napakaraming importanteng aspeto kung bakit kakailanganin mo ng personal accident insurance. Subalit, nasa sa’yo ang desisyon para sa tamang insurance na may angkop na benepisyo.

Leave your comment