Ang Pagkakaiba ng Personal Loan at Line Of Credit

Personal Loan at Line of Credit

Ang Pagkakaiba ng Personal na Loan at Line Of Credit

Sa isang punto ng ating mga buhay, marami sa atin ang uutang bilang pambayad ng isang magastos na bilihin. Ang nalalapitan natin sa mga panahong ito ay ang mga pinansyal na institusyon katulad ng mga bangko na kumikita sa pamamagitan ng pagpapautang ng pera, pag-iissue ng personal na mga loan o lines of credit (LOC). Parehong may mga kapanibangan at kapinsalaan ang personal na mga loan at ang mga line of credit. Depende sa iyong sitwasyon, maaring isa sa kanila ay mas cost-effective sa pangmatagalang panahon para sa iyo. Kung kaya’t ang pag-alam ng pagkakaiba ng dalawang opsyon na ito ay mahalaga.

Ano ang Personal Loan

Ang personal loan ay isang lump-sum na halaga ng salapi na hiniram mo sa bangko o iba pang pinansyal na institusyon. Sa pamamagitan ng isang personal na loan, nagbabayad ka ng interes sa iyong prinsipal (ang pasimulang halaga na inutang mo). Ang interes ay binabayaran sa isang partikular na panahon, depende ito sa kasunduan mo sa nagpautang. Ang interes ay maaring pirmi (fixed) o pabago-bago  (variable), depende sa iyong kagustuhan.

Ang isang personal na loan ay nakakapagbigay ng isang pakiramdam ng katiyakan sa nangungutang sapagkat batid mo ang suma-total na halagang inutang mo, ang buwanang bayad para dito, at ang termino ng utang.

Ano ang Line of Credit

Ang line of credit naman sa isang banda ay isang uri ng utang na walang kaakibat na pirming (fixed) halaga. Ayon sa iyong kasunduan sa bangko, ikaw at ang bangko ay nagkakasundo ng pinakamataas na halaga na pwede mong hiramin, na sa kasong ito ay tinatawag na “credit limit” mo. Flexibility ang isa sa mga kapanibangan sa pagkuha ng isang line of credit. Halimbawa; maaari kayong magkasundo ng isang P20,000 na credit facility sa bangko, subalit sa ano mang panahon, ay pwede kang mag-withdraw ng kahit na anong halagang mas mababa o hanggang sa P20,000. Maaari mong ma-access ang iyong line of credit sa pamamagitan ng pag-issue ng mga tseke.

Dahil hindi alam ng mga nagpapautang kung kelan ka mangungutang, marami sa kanila ang maniningil ng base sa kung anuman ang interes sa panahon na nangutang ka (tinatawag din itong ‘draw’). Ito ang dahilan kung bakit nagiging pabago-bago (variable) ang interes ng isang line of credit. Magbabayad ka lamang ng interes depende kung ano ang inutang mo at hindi ang kabuuang halaga ng iyong credit limit. Kaya, kung hindi ka naman nangutang sa buong panahon ng kasunduan, wala kang ibang babayaran kundi ang ilang mga bayarin na maaaring singilin ng bangko, katulad ng maintenance fee. Ang ganitong flexibility ay mainam para sa mga may magkaiba-ibang pangangailangan at mga laging may binibili. Habang ang interes ay nag-iiba sa iba’t-ibang panahon, maaaring sa katapusan ay makakapagbayad ka ng mas mababang interes kumpara sa isang personal na loan.

Gusto mo bang mas matuto pa ukol sa personal na mga loan? Basahin itong 4 na mga bagay na dapat mong malaman bago mag-apply ng personal na loan.

Leave your comment