Mga Dapat Malaman bago Magbukas ng Savings Account
Maraming iba’t-ibang uri ng savings account sa Pilipinas. Depende sa pag-gamit sa araw-araw, ang iba dito ay maaaring angkop para sa iyo. Ano mang uri ng savings account ang kailangan, ilan sa mga maaaring paggamitan ng savings account ay para sa emergency kung may nangangailangan sa inyong pamilya ng medikal na solusyon o kung sakaling ikaw ay mawawalan ng trabaho, mahala ang savings account dahil ito ang makakatulong sa’yo sa oras ng pagka-gipit o sa oras na gusto mo pang palaguin ang iyong pera para pampuhunan sa isang negosyo o makapag-puhunan sa stock market.
Ano ang mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbubukas ng Savings Account
- Alamin ang pinaka-mababang halaga na kailangan. Siguraduhing alamin ang pinaka-maliit na deposito at pinaka-mababang halaga na maaaring maging balanse ng savings account sa buong panahon ng pag-iipon.
- Alamin ang interest rate na kikitain. Ang ilang savings account ay nagbabago ang interest rate depende sa balanse ng account.
- Magtanong kung mayroon pang ibang babayaran kung sakaling magkaroon ng iba pang transaksyon tulad ng online banking o hindi kaya ay di inaasahang pangyayari tulad ng pagpapasara ng account (kapag naisipang mong itigil na ang pag-iipon).
- Alamin ang iba’t-ibang uri ng savings accounts na iniaalok tulad ng para sa mga bata at senior citizens.
- Alamin ang iba pang iniaalok na online facilities ng Bangko na maaaring magamit.
Proseso ng Pag-aaplay
Ang proseso ng pagbubukas ng savings account sa halos lahat ng bangko ay kalimitan ng pare-pareho. Pare-pareho ang mga requirements tulad ng pagdala ng government issued IDs at minimum balance na dapat ihulog sa bangko para makapagbukas ng savings account. Makikita sa aming savings account comparison chart ang mga minimum balances na kailangan ng mga bangko.
Isang paalala na panatilihing sikreto ang PIN at account statements kapag nagging tagumpay ang pagbukas ng savings account. Siguraduhing huwag isulat sa kung saan-saan ang mga ito upang maging ganap na sikreto. Siguraduhing ipagbigay alam sa bangko kung sakaling mawala ang ATM card o makakita ng kahit na anong kahina-hinalang kamalian sa account statement.
Leave your comment