Mga Sikreto Sa Pagkuha At Pag-iingat Ng Debit Card

shutterstock_429103151Napakapopular ng mga debit card. Hindi ito nakakagulat dahil padami ng padami ang mga taong namimili na hindi gumagamit ng pera, at mas marami ang hindi tumatangkilik sa pamimili ng utang. Bukod sa pagiging madali, ang debit card ay iniiwas ka sa peligro ng pagkakaroon ng utang sa pang araw-araw mong gastusin.

Kahit na maraming kagandahan ang paggamit ng debit card sa iyong araw-araw na pamumuhay, importante na maging maingat sa pagdedesisyon bago kumuha ng isa nito. Ang mga sumusunod na bagay ay tutulungan kang magdesisyon kung tama ba o hindi na gumamit ka ng debit card.

Magsaliksik gamit ang mga mapagkakatiwalaang Online source

Palagi ka dapat nagsasaliksik upang makakuha ng kaalaman tungkol sa iyong pinagpipilian at alamin rin ang pagkakaiba ng debit card sa credit card. Samantalahin mo ang mga site na kumokolekta ng mga impormasyon tungkol sa mga produktong pinansyal at pinag-iisa ang mga ito (hal. iMoney). Pinahihintulutan ka nito na magkumpara kung anung card ang may mas magandang serbisyo. Ang reputasyon ng kumpanya ng debit card ay isa ding pamantayan, ngunit, karamihan ng mga ngbibigay ng debit card sa Pilipinas ay may magandang kredibilidad.

Pag-aralan ang mga serbisyo, bayarin, at mga singilin

Halata na magandang kumuha ng debit card na may pinakamaraming serbisyo at benepisyo. Subalit, dapat mo ding tingnan ang mga natatagong bayarin at mga singilin nito. Halimbawa, may ibang mga debit card ay maaaring humingi ng annual fees. Ang iba ay maaaring sumisingil kapag ikaw ay maglalabas ng pera galing sa ibang bangko. Ang pag-alam sa mga ito ay matutulungan kang magdesisyon kung ang isang card ay nararapat bang kunin.

Basahin ang fine print

Ang fine print ay isang bagay na hindi mo dapat tingnan, ngunit, ayos lamang kung ito ay gagawin mo. Ang mga ito ay hindi nakakalibang basahin, ngunit kadalasang ito ay naglalaman ng mga patakaran at kondisyon na maaaring normal tingnan, pero sa masusing pagsasaliksik, ay nakakagulat sa nakararami. Nararapat pa ding maglaan ng ilang sandali upang suriin ang mga patakaran at kondisyon bago pumasok sa isang hindi kaaya-ayang kasunduan. Sa kabilang banda, gamitin ang mga website gaya ng iMoney, na nagsasaad ng mga kasulatan ng bayarin at ibang patakaran at kondisyon ng mga produktong pinansyal sa napakaiksi, at madaling maintindihan.

Hayaan kumalma ang ideya ng pagkuha ng debit card

Minsan, ang pagkagigil ang nag-uudyok san a gumawa ng hindi pinag-isipang desisyon. Importante na siguraduhing kailangan mo talaga ng debit card bago kumuha nito. Ang mga emosyon ay nakakabulag sa mga desisyon. Nararapat na pag-isipan ang ideya ng mga ilang araw, pwedeng makipag-usap sa isang taong mapagkakaktiwalaan, gaya ng iyong asawa o tagapayong pinansyal.

Matapos matanggap ang iyong debit card, ang sunod mong dapat isaalang-alang ay kung paano ito gamitin ng tama. Narito ang ilang mga paalala mula sa amin:

Magtakda ng halagang pwedeng gastusin

Hindi mo gugustuhing sagadin ang paggamit ng iyong debit card. Magtakda ng limitasyon na magsisilbing “red signal” na kapag naabot mo ito, hihinto ka ng gumastos para sa naturang buwan. Ito ay magandang kasanayan lalu na kung meron kang iba pang tungkulin (hal. bayarin sa bahay, upa ng bahay,tubig, atbp.). Ang pagkakaroon ng karagdagang pera sa iyong bangko ay nakakatulong maiwasan ang mga dagdag na multa at iba pang kapaherong bayarin.

Huwag gamitin ang iyong debit card sa malalaking gastusin

Ang mga debit card ay hindi nagbibigay ng masyadong proteksyon sa mga parokyano gaya ng mga credit card. Hangga’t maaari, gusto mong magkaroon ng mas malawig na kasiguruhan at proteksyon kapag gagastos ng malaki. Hindi ito palaging angkop sa mga debit card.

Bantayan ang identity theft

Ang mga impostor ay mas nagiging matatapang at maparaan. Maging maingat sa paggamit ng iyong debit card. Huwag gagamit ng makina ng ATM na kahina-hinala. Magtiwala sa iyong pakiramdam, dahil maaaring may mga masasamang loob sa paligid. Isa pa, huwag gumamit ng debit card sa mga lugar na may maliit na kredibilidad o walang kredibilidad. May bagong pag-aaral na nagsasaad na karamihan sa mga kaso ng panggagaya ng pangalan ay nag-uugat sa mga mataong kainan na hindi katiwa-tiwala.

Ang disiplina at pag-iingat ay siguradong makakatulong sa’yo sa paggamit ng debit card. Sa pagsunod sa mga hakbang na ito, palagi kang may kontrol sa lahat.

Handa ka ng magpatala para sa debit card? Silipin ang aming debit card comparison table!

Leave your comment