3 Solusyon Kapag Bigo sa Pagbayad ng Minimum Payment
Napakadaling sumobra sa paggastos ng credit card kung madalas ay hindi mo binabantayan ang iyong mga gastusin. Anong mangyayari kung hindi mo mabayaran ang minimum payment sa credit card?
Tawagan Ang Iyong Bangko
Ipaliwanag mo ang sitwasyon sa bangko at mangakong ito ay isang beses lamang mangyayari. Magbigay ng petsa kung kalian ka puwedeng makapagbayad. Maraming mga bangko ang nagdudugtong sa palugit ng pagbayad sa kredit kard at ang iba ay hindi na naniningil multa sa nahuling pagbayad ng bayarin sa credit card.
HUWAG hayaang hindi nabayaran ang iyong mga bayarin. Makaipon ka ng maraming multa at masisira ang iyong personal credit rating. Ito ang magiging simula ng paglubog sa utang na ayaw mong mangyari sa iyo.
Bantayan ang Iyong Gastusin
Gumawa ng listahan para mabantayan ang iyong araw-araw o lingguhang gastusin. Hindi kailangang maging 100% tama (hanggang sa huling sentimo), dahil ang layunin ng listahang ito ay alamin kung may sapat na matitira sa iyo sa huli bago dumating ang iyong bayarin sa credit card.
Sa pagbabantay sa iyong gastusin, ikaw ay magiging mas mapagmatyag sa iyong pananalapi, na nakatutulong upang malaman mo kung saan ka puwedeng magbawas ng paggastos.
Gumawa ng Iyong Buwanang Budget
Ang Credit Card ay nagbibigay sa atin ng kakayahang bumili bago tayo makaipon, ngunit huwag nating sanayin ang sarili sa ganitong gawain. Ang walang pakundangang paggastos ay resulta ng hindi pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Sa paggawa ng buwanang budget, maari mong makontrol ang iyong pananalapi, at isantabi ang halaga na iyong kailangan sa katapusan ng buwan para ayusin ang iyong mga bayarin sa credit card.
At iyon na nga – ang 3 madaling solusyon kung mabigo kang bayaran ang iyong bayarin sa credit card.
Ngayon tingnan naman ang mga rason kung bakit mo kailangan ng credit card?
Leave your comment