Mga Dapat Tanungin ng Isang Bagong Namumuhunan
Bilang isang bagong namumuhunan, isa sa mga bagay na kailangan mong maintindihan ay ang iyong sarili. Ang tanong na “anong klase akong namumuhunan?” ay dapat na mas isinaalang-alang kesa sa tanong na “saan ako dapat mamuhunan?” Kung mas tama ang pagkakaintindi mo sa iyong sarili at ng iyong pansariling kalagayan, mas magiging madali para sa iyo ang gumawa ng estratihiya sa pamumuhunan na naaayon sa iyo.
Maraming paraan para ikategorya ang isang namumuhunan, ngunit narito ang dalawa sa mga tanyag na pamamaraan:
Yugto ng buhay – gaano ka kabata o katanda?
Bilang isang pamantayan, ang mga batang mamumuhunan (halimbawa edad 30 pababa) ay mas may abilidad para makabangon sa short-term na pagkalugi sapagkat maari pa nilang ipagpatuloy ang pag-iipon ng yaman sa pamamagitan ng kanilang regular na trabaho sa darating pang mga taon. Dahil dito, kalimitang mas madali nilang matatanggap ang mga tagumpay at kabiguan sa mga mapangahas na pamumuhunan.
Samantala, ang mga nalalapit nang mag-retire na mga mamumuhunan (halimbawa edad 50 at pataas) ay dapat lamang magkaroon ng mas konserbatibong mga pamumuhunan, sapagkat hindi na sila makakaasa sa kanilang mga sinasahod para mabawi ang anumang pagkalugi sa negosyo.
Pinagmulan at sukat ng yaman
Ang paraan kung paano iniipon ng isang mamumuhunan ang kanyang yaman ay palatandaan na ng kanyang abilidad at pagiging handa sa mga bagay na di tiyak.
Ang kayamanan na natatamo sa mga gawaing pang-negosyo (tulad sa pagbenta ng isang matagumpay na negosyo) ay maaaring resulta ng maraming pakikipagsapalaran. Anupa’t, ang ganitong mamumuhunan ay mas magiging handa sa pakikipagsapalaran.
Sa kabilang banda, ang isang indibidwal na nakapag-ipon ng kanyang yaman sa pamamagitan ng konserbatibong paggastos at maingat na pagtitipid sa mahabang panahon ay maaaring mas mababa ang pagtanggap sa mga pamumuhunang walang katiyakan.
Importante din ang personal na depinisyon ng salitang “yaman”. Kahit pa man ang isang tao ay mayaman o mahirap, ang pagiging handa sa pakikipagsapalaran ay may kinalaman kung paano mo tingnan ang iyong sarili. Ang isang mamumuhunan na naniniwalang ang kanyang yaman ay maliit na halaga lamang (anupaman ang sukat nito) ay maaaring mas may pagnanais na pangalagaan ito.
Bakit ito Mahalaga?
Ang pagkakaroon ng pag-unawa kung anong klase kang mamumuhunan ay napaka-importante dahil ito ang makakatulong sa iyo upang magpasya kung saan ka mamumuhunan.
Hindi katulad ng mga tatak ng cereal sa pamilihan, ang pagpili ng maling pamumuhunan ay magastos at may malaking epekto sa iyong kapakanan (sa aspetong pinansyal at maging sa emosyonal), at madali mo itong maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas eksaktong pag-unawa sa iyong pansariling kalagayan.
Ikaw, anong klaseng mamumuhunan ka kaya?
Nagustuhan mo ba ang post na ito? Maaring magustuhan mo rin ang Mahahalagang Mga Bagay Para sa Long-Term na Pag-iipon ng Yaman .
Leave your comment